DYARYO TIRADA

NATIONWIDE INITIATIVES NI MANONG CHAVIT UMARANGKADA PA

Nuel Sanchez

Lalong pinaigting ni senatorial aspirant Luis "Manong Chavit" Singson na maibahagi ang kanyang mga inisyatiba sa buong bansa sa pagdalaw sa Central Luzon at sa Western Mindanao nitong nakaraang linggo. Dito nakipagpulong siya sa mga grassroots leaders, local officials at sa community leaders maging sa media.

Matapos ang isang maigsing business trip sa South Korea, pinalakas pa ni Manong Chavit ang pagpapalaganap ng kanyang mga plano kapag nasa Senado na siya gaya ng financial inclusion sa pamamagitan ng VBank digital bank, ang pagtutulak sa mga electric vehicles para sa public transportation at ang Chavit 500 na naglalayong makapagbigay ng isang universal basic income.

Unang pinulong ni Manong Chavit noong 11 December ang mga miyembro ng Circulation Management Association of the Philippines (CMAP) kasama ang mga dealers sa kanilang Christmas party kung saan inilahad niya ang natatanging role ng media sa pag-unlad ng bansa.

Kasabay nito ay nagdonate rin si Manong Chavit - na Number 58 sa Senate ballot - ng tulong sa CMAP na malugod namang tinanggap ng mga miyembro nito.

Nang sumunod na araw ay nilibot na ni Manong Chavit ang Central Luzon kung saan nakipagpulong siya sa Angeles City Association of Barangay Councils sa Choi Garden Place sa Clark.

Ibinahagi naman niya sa mga miyembro nito ang transformative potential ng VBank digital bank, isang financial platform na naglalayong mabigyan ng malawakang access ang lahat sa financial services lalo na ang mga underserved areas at mga “unbanked”.

Sa Candaba, Pampanga naman, sinamahan ni Manong Chavit si Mayor Rene Maglaque na magpamahagi ng cash payout para sa mga TUPAD beneficiaries na binubuo ng mga displaced workers.

Dito rin ay pinarating niya ang kanyang inisyatibo  magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho at economic reforms upang dumami pa ang mag-invest at magnegosyo sa bansa.

Pinagmalaki naman ni Maglaque ang respetadong track record ni Manong Chavit at sinabing naniniwala siyang magagawa nito sa buong bansa ang tagumpay nito bilang lider sa Ilocos Sur.

Kinagabihan naman ay dumalo si Manong Chavit sa GMA Sparkle Christmas Party sa Electric Garden sa Bonifacio Global City na dinalauhan ng mga key figures sa media at entertainment.

Kinabukasan ay tumulak si Manong Chavit sa Mindanao kung saan nakipagpulong siya sa mga local leaders sa Dipolog City.

Dito ay inilahad niya ang kanyang economic agenda at ang mithiin niyang tuldukan  ang bureaucratic red tape upang mas dumami  ang mga investments lalo na sa  Zamboanga.

Pinahalagahan rin ni Manong Chavit ang international diplomacy at ang importansya ng strategic negotiations sa China kung saan nananatili ang tensyon  dahil sa West Philippine Sea issue.

"Kailangan natin ng investments, lalo sa mga rehiyon gaya ng Zamobanga upang magkaroon ng mas maraming oportunidad na magkatrabaho," sabi ni Manong Chavit. "Kailangan nating padaliin ang pagnenegosyo sa bansa kaya dapat maalis na natin ang red tape na humaharang sa ating progreso."

Nagtungo rin si Manong Chavit sa Zamboanga City at nakipagkita kina Mayor John Dalipe at mga lider ng local organizations, transport groups, senior citizens at mga barangay lider.

Inilahad niya sa kanila ang kanyang planong gawing moderno ang public transportation system sa bansa at ito ay malugod Na tinanggap  ng mga transport groups ng Zamboanga City at sinabing susuportahan nila ang inisyatibang ito ni Manong Chavit para matuloy na ang nauudlot na national modernization ng public transport.

Sinabi rin ni Manong Chavit na gagawin niyang available ang mga VBank services sa mga munisipalidad dito upang magkaroon ng malawakang access sa financial systems ang mga mamamayan. Ang Vbank ay isang digital bank kung saan walang initial deposit para mag-open ng account, walang maintaining balance at walang maraming dokumentong required.

Bago matapos ang linggo ay dumalo si Manong Chavit sa 105th Grand Alumni Homecoming ng Western Mindanao State University (WMSU) kung saan inilatag niya ang kanyang inisyatiba na maging industrialized ang bansa lalo na ang Mindanao upang dumami pa ang trabaho at mapalakas ang ekonomiya.

Bilang isang respetadong lider  na may proven track record at may isang salita, sinabi ni Manong Chavit na lahat ito ay gagawin niya.