Itutuloy ni Rica Gonzales ang pag-aaral sa aviation school. LARAWAN MULA SA FACEBOOK
DYARYO TIRADA

Rica Gonzales pangarap maging piloto

Alex Brosas

May matinding pangarap pala ang Vivamax star na si Rica Gonzales.

Sa short interview niya kay Dingdong Dantes sa “Family Feud,” itsinika ng host na nag-aral sa isang aviation school si Rica.

“Itutuloy mo ba ang iyong studies? Ano ang iyong timeline? tanong ni Dingdong sa dalaga.

“Itutuloy ko po,” sagot ni Rica.

Two years pa pala ang kulang para matapos ni Rica ang kanyang kurso.

Meanwhile, bilang Vivamax star ay siya yata ang biggest star ngayong 2024 dahil sa dami niyang natapos na Vivamax movie. Just this year, nagbida siya sa pitong pelikula tulad ng “Dilig,” “Kapalit,” “Mapanukso,” “Hiraya,” “Kaskasero,” “Undergrads” at “Silip.”