DYARYO TIRADA

Sahara Bernales ayaw ng dila sa dila

Alwin Ignacio
Sahara Bernales: Ayaw ng laplapang umaatikabo.

Lugod na lugod at masayang-masaya ang mga Pinoy machi papa kasi nga, may bagong Vivamax pelikula na kasulukuyang nasa merkado ng streaming, ang “Maryang Palad.”

Sigurado naman ako, mga Chika-Diva mambabasa, lalo na ang mga barakong totoo, alam na alam niyo na sina Maria Makiling at Maria Sinukuan, hindi kamag-anak at mas lalong walang relasyon kay Maryang Palad, huh! At siento porsiyentong ginagawa niyo, mga hombreng matutulis ang ibang pakahulugan ng maryang palad.

Ang kinaloloka ng mga barako, eh ang paandar ni binibining Sahara na: “Puwede akong hawakan sa side, wag lang ako hahawakan sa nipples at sa private part sa baba. Ayoko rin ng dila sa dila sa lips to lips. Dapat dampi dampi lang,” na kanyang inilahad sa pulong balitaan para sa pelikula.

Ay! May sexy star pa palang ayaw ng laplapang umaatikabo na may kasama pang eskrimahan ng mga dila. Matimtiman pala itong si Sahara, huh! Iba rin!

Shoot rin ang mga nasa pulong balitaan sa rebelasyon ng Vivamax starlet na ang isa sa magulang niya ay isang transgender.

Wish ko lang alam niya talaga kung ano at paano nagiging transgender ang isang tao, sa true lang.

Chika ni Sahara: “Nu’ng bata pa ako, tinutukso ako dahil trans nga ang tatay ko pero si papa, pag nalaman niya na tinutukso ako, susugod talaga ‘yun sa school. Sobrang protective ang father ko sa akin.”

Nagsasama pa rin sa iisangn bubong at happy family ang kanyang tatay na trans at ang kanyang nanay, na isa namang lesbian.

Pinapanood naman ni lady boy tatay ang kanyang mga sexy movie sa Vivamax. May hirit pang birong totoo ang bida sa “Rodante Pajenma” na pelikula: “Oo, pinapanood niya. Pero hindi ako sure kung ako ang pinapanood niya, baka yung partner ko.”

Dagdag chika pa ni Sahara: “Para kasi kaming magbarkada ng tatay ko, kapag may pogi na dumadaan, nagkikindatan kami.”

Kasama rin ni Sahara sa napaka-daring na movie na Maryang Palad sina Jen Milton, Mark Dionisio at Vince Rillon.

***

Lumahok ang konsehal ng Fifth District ng Quezon City at award-winning actress na si Aiko Melendez sa food distribution event ni Manong Chavit Singson para sa Mobile Kitchen in Action kamakailan.

Nangyari ang pa-event ni Manong Chavit sa isang covered court sa Rockville Subdivision Phase 1 sa San Bartolome, Novaliches, QC. 

Napuno ng saya ang mga residente mula sa Barangay Fairview, North Fairview, Santa Lucia, at mga kalapit na lugar dahil sila ang pinakaunang tumanggap ng Mobile Kitchen feeding program ni Manong Chavit. 

Inorganisa at ipinatupad ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang community-driven program na naglalayong magbigay ng kinakailangang nutrisyon at suporta sa mga lokal na pamilya.

Malaking kasiyahan naman kay Aiko ang maging bahagi sa pagbabahagi ng tulong ni Manong Chavit sa mga taga-Kyusi.

“Nagpapasalamat ako na pinangunahan ni Manong Chavit Singson itong Mobile Kitchen feeding program. Masaya ang lahat. Literal na busog lusog ang mga mababait at masisipag na taga-Barangay San Bartolome dito sa Quezon City,” pahayag ng aktres at konsehal.