Best in pasabog ang pagbibigay buhay ni Andrea Brillantes sa isa sa pinaka-sikat na Latin novella katauhan, si “Marimar.”
Si “Marimar” ang katauhang naging dahilan kaya ang aktres at mang-aawit na si Thalia ay sobrang naging tanyag at ang kanyang palatuntunan ay talagang pinakatutukan ng lahat,
Nagka-bersyong Pilipino rin ito na pinagbidahan ni Maria Rivera at ito ang dahilan para siya ay tanghalinh bilang Kapuso Primetime Queen.
Sa pictorial at bidyo paandar ni Blythe, marami ang lugod na lugod sa pagiging maalindog nito. Senswal kung senswal ang datingan ni Brillantes at alam na alam mong handang-handa na talaga ito para sa mas mapapangahas pang mga katauhan bibigyang buhay lalo na kung sa pelikula ito.
Sino naman kaya ang bagay na katambal ni Blythe kung sakaling may susugal nga na magka-millennial Marimar? Kailangan pa bang isaulo iyan? Eh di siempre pa, ang guapitong totoo at kanyang pinakamalapit na kabigang lalaki, si Kyle Echarri!
Wala pang malinaw na proyektong ibinabalita para sa KyleDrea kaya panalong oportunidad kung isang sobrang sikat na palatuntunan ay ibigay sa kanila.
Ang isa pang bagay na bagay sa KyleDrea, ang Filipino remake ng “Blue Lagoon” na siyang nagpasikat sa tambalan nina Brooke Shields at Christopher Atkins. Pasok na pasok sa banga, hindi ba naman?
Ang nakaktuwa sa pagbibigay buhay ni Andrea sa katauhan ni Marimar sa kanyang IG page, eh alam mong ang aktres, eh talagang ginagawang katotohanan ang kanyang malikhaing mga hangarin at ipinapakita niya sa lahat ang kanyang mga ninais na bigyang buhay at mga oportunidad na kanyang nakikita na alam niyang kanyang pagtatagumpayin bilang Gen Z Queen.
Kaya walang duda, vavavoom at wow na wow si Andrea Brillantes sa kanyang “Marimar” paandar. Kaabang-abang tiyak ang susunod niyang ipapakita sa ating lahat.
***
Sa pulong balitaan para sa Joel Lamangan’s “Huwag Mo Kong Iwan” na mula sa BenTria Productions, si Rhian Ramos na bidang aktres sa nasabing pelikula, itinanggi ang chikang lilipat siya sa ABS-CBN Studios.
Pahayag nito: “We just found out ‘yung tungkol sa lilipat daw ako ng ABS-CBN nang dumating kami. Kasi nung nasa New York City kami for the marathon, baligtad kasi ang oras doon at dito sa Philippines. Kapag umaga run, gabi rito. So hindi namin nabalitaan. Pag-uwi na nga lang namin saka may mga nagtatanong. Pero siyempre, it’s not true nga!”
Kwentas claras na yan ha. Ang true, may ginagawa pa siyang serye sa GMA Network, ang ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’ kaya isang malaking pekeng balita ang chika, huh,
Happy ang aktres dahil pawang mahuhusay na aktor ang kanyang mga kapareha sa pelikulang isinulat ni Eric Ramos, ang mga ito ay sina Tom Rodriguez at JC de Vera.
Sa 21 November ang premiere night ng “Huwag Mo Kong Iwan” na mangyayari sa Gateway Mall Cinema at ipapalabas ito sa mga sinehan sa 27 November.