Hindi maitago ni Dwayne Garcia, ang bagong mamahaling singing teen heartthrob dahil ilalabas na ang kanyang kaunaunahang single na ang pamagat ay “Taym Perst. “ Starmusic.ph ang mag-distribute sa kanyang kanta.
Ang “Taym Perst” ay tungkol sa damdamin at pakiwari ng isang teenager tungkol sa mga pangaral at payo, pati na rin ang mga ingay at gulo, na kanyang nararanasan sa arawaraw bilang kabataang kasali sa tinatawag na Gen Z at Gen Alpha.
Pahayag ni Dwayne: “I’m sure po na maraming makakarelate sa song ko. Napakaimportante po ang makinig sa mga payo ng magulang kaya ‘pag pakiramdam n’yo, masyado na kayong nalulunod o nasasakal sa mga pangaral, I’m sure, ‘pag sinabi ninyong time first muna, magkakaintindihan kayo. Kumbaga, magpapalamig muna kayo pareho ng ulo para maiwasan ang makapagbitiw ng masasakit na salita na baka pwedeng pagsisihan sa bandang huli.”
Aniyapa: “ Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa chance na ‘to at hindi ko po ito sasayangin. Dream come true po para sa akin na magkaroon ng single tapos sa Starmusic pa. Salamat po talaga sa lahat ng tumulong para maging totoo lahat ng mga pangarap ko lang dati. Syempre, kay God. Sa Family ko, kay Direk Joven Tan na composer ko ng song at sa starmusicph family ko at sa lahat ng tumulong sa akin sa media.
Bukod sa pagiging recording artist, abala rin si Dwayne sa ilang acting assignments na ginagawa niya since bata pa siya like TV commercials. Soon, makakasama rin siya sa isang family drama movie.
Siya ay kasalukuyang Grade at nag-aaral sa UST Angelicum. Malapit na ang kanyang kaarawan na magaganap sa 20 Nobyembre.
Ilan sa kanyang mga paboritong mang-aawit ay sina Juan Karlos Labajo, Maki at ang bandang Lola Amour.
Si young master Garcia ay isa ring digital creator.
Available na sa pang malakasang streaming platforms ang “Taym Perst” at kasalukuyan itong isa sa most requested songs sa mga pangunahing FM radio stations.
***
Mas nadagdagan ang mga humahanga kay KD Estrada kasi nga, laban kung laban siya sa panawagang audition para sa mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2025.
Nakakatuwa ang dedikasyon niya sa kanyang pagiging actor at mas kahanga-hanaga na hindi siya naglambing ng special treatment sa venue, sa Tanghalag Ignacio Gimenez sa CCP. Pumili talaga siya at hinintay ang kanyang pagkakataon na maisalang sa nasabing audition.
Ang isa pang nakadagdag sa kanyang guapo points, ang mga netizen na may matang agila, mabilis na nakapansin sa pagiging maskulado at makisig niya na litaw na litaw sa kanyang photo posting sa IG.
Binata na talaga siya at hindi na bata at pa-boy borta na ang kanyang katawang lupa na tiyak eh go for gold sa pagiging katawang pang romansa na, huh! Guapo na, yummy pa, iba rin ang payanig ni young master Estrada, sa true!
Sa mga nakakita sa kanyang boy to man body transformation, ilan sa comment sa nasabing IG post niya ay:
“Biceps!!!”
“What a great body physique. Yes flex that KD!!”
“You look great with your nice body built.”
“How can you be so cute and sexy at the same time????!!!!”
Ngayong panalong-panalo ang kanyang mga pisikilang pagbabago, siguradong-sigurado na lalo na mas aangat ang kanyang leading man estado sa Star Magic Kingdom lalo na ngat buhay na patotoo ang kanyang commitment sa pagiging mahusay na actor. Alam niyang mainam na karanasan para sa kanya na siya ay lumahok sa Cinemalaya 2025 audition.