Walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin ni bathluman Ivana Alawi ang kanyang pinagdaraanang karamdaman na siyang dahilan kung bakit siya ay na-ospital kamakailan.
Ibinahagi ni Alawi ang nangyari sa kanya sa isang bagong vlog kung saan inilahad na ito na maituturing niyang pinakamahirap na kabanta ng kanyang buhay.
Panimula ni Ivana: “Sa lahat ng dinanas ko sa buhay, isa ‘to sa pinakamatindi na pain, Feeling ko talaga it’s really my second life.”
Patuloy pa sa vlog niya: “I-share ko lang din sa inyo na mayroon akong problem sa ovaries and that’s how it started, and I also have PCOS [polycystic ovary syndrome], doon siya nagsimula.”
“Siguro kung hindi ako pumunta ng ospital, feeling ko wala na talaga ako. Ganung level. Nagpapunta na lang ako ng ospital noong hindi ko na kaya,” patuloy niyang paglalahad.
Sa ospital ay nakitang punong-puno ng fluid ang kanyang tiyan,
“I also got fluid in my stomach na sobrang napuno na siya. Day by day habang nasa ospital ako, umaangat nang umaangat yung fluid sa tiyan ko, mukha akong five months pregnant,” patuloy niyang kwento.
“Ang laki niya and it grew day by day, ta’s nun’ padulo na, patigas na siya nang patigas. Tapos yung sakit, hindi na ako makahinga. Konting lakad ko lang parang hihimatayin ako, nanlalamig na yung buong body ko tapos tumitirik daw yung eyes ko, ganun,” patuloy na salaysay ng millennial bathaluman.
Hirap na hirap daw siyang huminga at lagi niyang hinahabol ang kanyang hininga sa buong araw. Hanggang sa nagdesisyon na siyang ipatanggal ang tubig sa kanyang tiyan.
Sa patuloy na pag-usad ng kanyang pagpapakatotoo: “’Yung last time na parang sabi ko, hindi ko na kayang huminga, kasi feeling ko kada hinga ko, para akong nalulunod. I felt like the liquid was already getting into my lungs. Ta’s parang sabi ko, ‘butasan n’yo na ako, kahit saan, kahit ilan ang gusto n’yo, basta tanggalin n’yo lang itong sakit.”
Ang nangyaring kasunod, binutasan ang kanyang tiyan para alisin ang tubig. All in all ay 2 liters daw ang tubig na natanggal sa kanyang tiyan. At dito pa lang daw siya nakaramdam ng ginhawa.
Patuloy pang nagpapagaling si Ivana: “I’m still recovering; hindi pa one hundred percent okay.”
Maraming mga fan ni Ivana Alawi ang hinangaan ang kanyang paglalahad. Hindi nga naman madali ang pinagdaanan niya at talagang nalagay ang kanilang iniidolo sa bingit ng alanganin.
Pulos healing prayers ang ipinadalang mga mensahe sa vlog ni Alawi at lahat ay buo ang panalig sa mga salitang “God heals. Love heals” na pinaka-makapangyarihang mga salita na kanilang inalay sa kanilang minamahal na millennial bathaluman,
Kasama rin sa lambing ng mga fan ni Ivana mabigyang lunas ang kanyang PCOS kondisyon.