DYARYO TIRADA

BAGYONG NIKA LALONG LUMALAKAS

Kitoy Esguerra

Inihayag ng state weather bureau PAGASA na patuloy umanong nakakapag-ipon ng lakas ang severe tropical storm Nika at inaasahang aabot pa ito sa typhoon level, bago mag-landfall Lunes ng umaga.

Tinatayang tatama ang sentro nito sa Isabela o Aurora at huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 380 km East of Infanta, Quezon. Kumikilos ito nang Westward sa bilis na 20 km/h.

May lakas itong 110 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 135 km/h.

Kasalukuyang nakataas ang Signal Number 2 sa Northern portion ng Aurora, Isabela, Quirino, southern portion ng mainland Cagayan, Nueva Vizcaya, southern portion ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, northern portion ng Nueva Ecija, southern portion ng Ilocos Sur, La Union at northeastern portion ng Pangasinan.

Nakataas naman ang Signal Number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands, iba pang parte ng Apayao, Ilocos Norte, iba pang bahagi ng Ilocos Sur, nalalabing lugar sa Pangasinan, nalalabing bahagi ng Aurora, Tarlac, northern at central portions ng Zambales, ilang bahagi Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, eastern portion ng Laguna, eastern portion ng Quezon, ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at northeastern portion ng Albay.

Samantala, Iniulat ng National Disaster on Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na mayroon nang isang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.

Batay sa inilabas na situational report ng ahensya, patuloy nitong kinukumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima at kung saang lugar ito.

Sa datos naman ay patuloy rin ang pagsasagwa ng mga search and rescue operations para duon sa mga nawawalang indibidwal sa Ilocos region.

Patuloy ang isinasagawang validation ng NDRRMC ukol naitalang fatality.

Umabot naman sa halos 261,787 na mga indibidwal o katumbas ng 76,622 na mga pamilya ang lubhang naapektuhan ng pinsala ni Marce sa rehiyon ng Cordillera.