Napa-sana all ang mga netizens sa palitan ng sweet messages between Ilonggo basketball player Kiefer Ravena at former Pinoy Big Brother housemate at beauty queen na si Diana Mackey.
Sa social media na-confirm ang relasyon ng dalawa nang batiin ni Diana si Kiefer noong birthday niya kamakailan.
Sa kanyang Instagram post ay binati ni Diana si Kiefer on his birthday.
“Cheers to celebrating our first of many birthdays together! Mahal kita,” say ng dalaga.
Agad-agad naman ang naging reply ni Kiefer na nagsabi ng, “Thank you, My love! I love you!”
Si Diana ay dating PBB housemate and Binibining Pilipinas Nueva Ecija 2022 candidate.
Sa kanyang Instagram post last year, ibinida ni Diana ang kanyang journey bilang isang flight attendant.
Ibinida ng beauty queen na siya ay part ng Philippine Airlines’ crew.
“My 2023 plot twist,” say niya sa Instagram.
Actually, artistahin ang dating ni Diana kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi niya pinursue ang pag-aartista
Marami rin ang nagsasabing bagay na bagay sila ni Kiefer dahil pareho silang matangkad. Puring-puri nga ng netizens ang kanilang sweetness sa mga Instagram posts nila.