Nag-reacts ang “It’s Showtime” host na si Anne Curtis-Smith sa report na ginawa ng UP School of Economics associate professor na si Cielo Magno.
Sa isang video kasi ang ipinakita ni Professor Magno ang mga senaryo kung bakit niya binigyan ng “failing grade” kung paano ina-allocate ng Philippine government ang budget.
“Actually, based on the 2024 experience, bibigyan ko siya ng failing grade. Alam mo kung ano ‘yung pinaka-frustrating, yung parte ng pagiging transparent niya kasi napapanood ng mga tao. Pero doon sa final stage ng budgetting, pina-finalize lang ‘yang ng konting representative ng mga congressman at saka konting representative ng mga senador,” sabi ni Professor Magno.
Kaya lang, ayon sa UP Professor, dinoktor ang budget at ang budget ng senado ay lumaki ng P2 bilyon at ang congress budget ay lumaki ng P12 bilyon.
Pinost ni Anne sa X (formerly Twitter), ang kanyang reaction dito.
“ANG laki laki ng budget Nila. Mapapatanong ka Talaga e. Kamusta nga ba ang performance so far ng bawat department? Sakit sa heart,” say ni Anne.
***
Fyang Smith may crush kay Kyle Echarri
Matindi ang pag-amin ng Pinoy Big Brother Gen 11 big winner na si Fyang Smith na crush niya ang “Pamilya Sagrado” star na si Kyle Echarri.
“Si Kyle Echarri talaga ang first crush ko. Until now, crush na crush ko siya,” sabi ng dalaga sa presscon after ng announcement ng Big Winner sa PBB.
In the future, labis na ikatutuwa ni Fyang kung makakasama niya si Kyle sa isang project.
Hindi malayong mangyari ito dahil kinuha ng Star Magic si Fyang bilang bagong talent.
Aminado rin si Fyang na naging inspiration niya ang PBB Winner na si Maymay Entrata kaya sumali siya sa reality show ng ABS-CBN.
“Siya ang naging inspiration ko. Hindi siya nahiya to be herself,” say ni Fyang.