[FILE] Senator Christopher "Bong" Go 
NATION

Sen. Go issues statement on SC PhilHealth fund transfer TRO

TDT

Senator Christopher "Bong" Go has issued a statement calling the Supreme Court's issuance of a temporary restraining order (TRO) against the transfer of P89.9B in excess funds to the National Treasury "One big win for the Filipino people.

Here is Senator Go's statement in full:

"This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!

We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people.

Ang pondo ng PhilHealth ay para sa Health!

Bilang chairperson ng Senate Committee on Health, taus-puso ang aking pasasalamat sa Korte Suprema na nakinig sa ating mga panawagan.

Nagpapasalamat din ako lalo sa mga ordinaryong Pilipinong binigyan natin ng pagkakataong gamitin ang mga nakaraang apat na Senate Committee on Health hearings upang ilabas at marinig ng gobyerno ang kanilang mga hinaing hinggil sa isyung ito.

Pero hindi dito nagtatapos ang ating krusada para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga mamamayan. Hindi ko titigilan ang PhilHealth hanggang tuparin nila ang lahat ng kanilang pangako. Kasama na rito ang pagtaas ng kanilang case rates; pagpapalawak ng benefit packages; pagbaba ng premium contribution; pagkakaloob ng emergency at preventive care; pagbibigay ng dental at visual care, libreng gamot, assistive devices at iba pang pangangailangang pangkalusugan sa mahihirap; pagsasaayos ng mga outdated na polisiya nila bukod pa sa 24-hour confinement rule at single period of confinement policy na kanilang nirepaso kamakailan lamang, at marami pang iba!

Habang may mga mahihirap na Pilipinong naghihingalo dahil walang pambayad sa ospital, habang may mga kababayan nating natatakot magpatingin sa doktor dahil takot sa bayarin, habang may mga kapwa nating Pilipinong namamatay na lang sa sakit dahil sa kahirapan, patuloy kong lalabanan ang mga anti-poor policies at lalo kong isusulong ang mga programa at batas na magtataguyod sa kalusugan at buhay ng bawat Pilipino.

The issuance of this TRO today does not end our crusade. In fact, this will give us more resolve and more determination to fight for the fundamental right to health of every Filipino, especially the poor and the helpless, so that we may bring some hope for the hopeless and voice to the voiceless."