Kacheapan talaga ang pangkat katkatera, huh! Nagpantanto lang nila na KC Concepcion, kasama ang isang kapatid, ay nanood ng isang soccer match kung saan ang mga manlalaro ay ang Philippine Azkals, ang konklusyon kaagad, nakipagbalikan na si Kristina sa dati nitong kasintahan na si Aly Borromeo. Ano ba iyan? Ang pakiwari niyo ba sa mega-daughter nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ‘nagugutuman’ at ‘mamatay’ kung walang ka-romansa sa kanyang buhay? Sobra kayo kay KC, sa totoo lang!
Patungkol sa kanyang mga estrellang magulang, maligayang-maligaya si KC sa kasalukuyang relasyon nila. Hindi niya rin maikubli ang kanyang excitement sa katotohanan na ang hit concert nila Sharon at Gabby nung nakaraang taon ay may international concert dates na.
Pahayag ng Sharon-Gabby unica hija: “Iba pa rin ang feeling kapag magkasundo ‘yung mga magulang mo. Maganda ‘yung feeling for me. I love my mom and I love my dad. I love my family.”
“It is a good example sa buhay ko.” Patuloy ni KC. “Itong parents ko na ‘di na nagsasama pero nakakagawa pa ng magandang bagay sa buhay nila. Napaka-happy ko na nagtatrabaho sila ulit together.”
Aniya pa: “Napakagandang feeling sa lahat. It talks about friendship, forgiveness, ‘di porket naghiwalay ibig sabihin kailangan magka-away.it is an inspiration for all of us.”
Sa pinaka-malapit na hinaharap, ang gustong magyari ni KC ay: “Gusto ko na bumalik sa showbiz at makagawa ng teleserye. Ayaw kong iwan ang buhay artista. Siyempre mga fans they are always there.”
Patuloy na pagtatapat ni Kristina: “It is always in my heart, ang maging aktres. Artista for life. For now, online talaga yung world ko. Yung vlog ko, yung Youtube ko, the KC diaries. I have been working on my online businesses and I am working on two new things. I am really excited.”
Sigurado namang hindi lang bintana, kundi bukas ang pinto ng show business para kay KC Concepcion. Naway hindi lamang teleserye, makagawa rin siya ng mga pelikulang may katuturan at saysay na siyang tunay na hahamon sa kanyang kakayahan at husay bilang aktres.
***
Matapos mag-file ng kanilang mga kandidatura para sa mga posisyong politikal, dalawang guapong artistang lalaki ang may mga panlakasang panlilibak na tinatanggap, ito ay sina Ion Perez at Aljur Abrenica,
Alam nating lahat na ang claim to fame ni Benigno (tunay na pangalan ni Perez) ay ang kanyang ‘asawa’ at ka-relasyong si Jose Marie Viceral, na mas tanyag sa kanyang alyas bilang Kabogable Queen Vice Ganda.
Si Aljur naman, naging pamoso dahil sa kanyang “wooden acting” na ang dating beteranong manunulat na si Nestor U. Torre ang nagbinyag sa kanya at ang turing nga sa makisig na artista, eh ang siyang namumuno sa “Machete School of Wooden Acting.”
Ano nga ba ang kakayahan at karanasan nina Perez at Abrenica para masabing karapat-dapat sila sa pinapangarap nilang posisyong politikal? Sapat na ba ang kanilang “puso” para sa serbisyong totoo at nasang makatulong at ang kanilang mga taglay na pangmalakasang kaguapuhan, makatulong kaya para makumbinsi ang kanilang sinusuyo na iluklok sila sa dapat nilang kaluklukan?