DYARYO TIRADA

Carlos Yulo payag maging bahagi ng ‘Batang Quiapo’

Alex Brosas

Bilang co-actor ay puring-puri ni Kyle Echarri, isang young master of acting, si Piolo Pascual na kasama niya sa top rating action series na “Pamilya Sagrado.”

Sa presscon last Sunday para sa second season ng serye, ipinaliwanag ni Kyle kung bakit niya idol si Piolo.

“We have a lot in common when it comes to our personalities,  kung paano kami bilang tao. Siguro one of the reasons why we are so close is because of his generosity as a person. He never looks down at anyone. He doesn’t look one differently,” say niya.

KYLE Echari maraming natututuhan sa idol niyang si Piolo Pascual.

“For him to allow me to learn from him not by teaching me, just me being able to watch from the set. Whenever we’re together, it’s a blessing that I have someone who is a pillar in the industry to be able to guide you without having to guide you. I’ve been learning a lot from him. He’s someone I can really trust,” dagdag pa niya.

Inanunsyo sa mediacon ang bagong timeslot ng “Pamilya Sagrado” na ipalalabas na everyday at 9:30 p.m.

***

Welcome na welcome kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo kung alukin siyang pumasok sa top-rating teleserye ni Coco Martin, ang FPJ’s “Batang Quiapo.”

Sa isang short interview during his visit to ANS-CBN ay sinabi ni Carlos na tatanggapin niya ang anumang invitation na manggagaling sa director at bida sa “Batang Quiapo’ na si Coco Martin.

“Kung iimbitahan po ako ni Sir Coco Martin sa ‘Batang Quiapo’ kahit isang shooting day lang, papayag ako. Game na game po ako. Bahala na po si Direk Coco kung ano ‘yung magiging role ko,” say ni Carlos.

Bahala na raw si Coco kung ano ang ibibigay niyang role kay Carlos.

Naku, kapag natuloy ito ay tiyak na aabangan si Carlos ng mga fans ng Batang Quiapo.