DYARYO TIRADA

Kumpitensyahan sa droga

Neil Alcober

Ipinag-utos daw diumano ng nakaraang administrasyon na walisin ang lahat ng mga drug lords na nakakulong dahil bagama’t nasa loob ng bilangguan ang mga ito ay malaya pa ring nakakakilos ang mga ito para sa kanilang ilegal na negosyo.

Sa naging pagdinig sa second quad committee hearing, ibinunyag ng dalawang inmates na sina Leopold Tan Jr. at Fernando Magdadaro na inutusan umano sila ni SPO4 Arthur Narsolis na paslangin ang tatlong Chinese drug lords na nakapiit sa Davao Penal Colony noong Hulyo 2016.

Inalok umano sina Tan at Magdadaro ng isang milyong piso sa kada ulo na kanilang mapapatay at pinangakuang sila’y makakalaya sa kanilang pagkakakulong kapalit ng nasabing trabaho dahil nasa panig umano nila ang gobyerno.

Sinabihan umano sina Tan at Magdadaro na isang mataas na opisyal ng gobyerno ang may utos na patayin ang tatlong Chinese drug lord. Kalaunan napag-alaman umano ni Tan na nanggaling umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing utos ng pagpatay sa tatlong Chinese drug lords dahil narinig nya nag-uusap sa telepono (naka-loud speaker) sina Superintendent Padilla at ang dating pangulo matapos ang pagpatay sa tatlong Chinese drug lords. Nag-congratulate umano ang dating pangulo for a job well done.

Subalit hindi umano natupad ang ipinangakong pagpapalaya kina Tan at Magdadaro dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin silang nakakulong. Oo nga naman, pinangakuan ka na gusto mo tuparin pa. Hehe!

Very vocal against illegal drugs, drug lords, dealers, at drug users si Duterte simula nang maluklok ito sa pwesto bilang pangulo ng bansa noong June 30, 2016.

Sino ba naman ang ayaw na masugpo ang problema sa illegal drugs pero sana within the bounds of the law. Kaya lang karamihan sa mga naging biktima ng kanyang ‘war on drugs’ ay mga mahihirap lamang na drug pushers at drug pushers.

Sino ba naman ang ayaw na masugpo ang problemang ito. Pero hanggat hindi nabubuwag ang malaking sindikato at may ilang opisyal sa gobyerno ang nasa likuran nito, naglolokohan lang tayo nito. Hehe!

Napag-alaman din na may quota system ang mga kapulisan para patayin ang mga drug dealers, ganon din kung ilan ang nahuli nila at naikulong.

Kaya naman hindi maiwasan mag-isip ng ilan sa ating mga kababayan na kaya ipinapapatay ang ilang drug lords dahil kakompetensya umano ito sa kanilang negosyo nang sa ganon monopolize ng kanilang mga kasamahan ang drug business sa bansa.