DYARYO TIRADA

Rabiya Mateo bilang ‘Ligaya’ siguradong patok

Alwin Ignacio

Ang mga barakong totoo, damang-dama at talagang nagngangalit ang mga mauugat na kalamnan dahil sa pangmalakasang pangrahuyo ni top 21 Ms. Universe semi-finalist Rabiya Mateo.

Tunay na may estrella at luningning si Rabiya dahil talaga namang ang hubog at ohlalang kurbada niya, ang kayumangging kaligatang balat, at magandang mukha, ay talaga namang nagdudulot ng ligaya sa mga barako at mga kababaihang nagnasasa at nagmamahal sa kapwa nila mga babae.

Sa kanyang mga IG post at iba pang mga larawang ibinabahagi sa iba niya pang social media platforms, morenang bathaluman talaga si binibining Mateo. Kaya nga marami ang hangang-hanga at inggit na inngit sa kisig, kaguapuhan at tikas ni Jeric Gonzales, huh. Si Rabiya lang naman ang Ms. Universe sa kanyang buhay dahil na magka-relasyon ang mga Sparkle artist.

Bukod sa taglay niyang beauty, ay talaga nga namang katakam-takam ang kanyang balingkinitang katawan, dahil nga mula sa Iloilo si Mateo, panalo ang lambing niya at super sexy rin ang accent at siyempre, ang mas lalong nagpapatingkad sa kanyang dakilang kagandahan, ay ang katotohanang matalino siya.

Marami rin ang nakakapansin na malaki ang improvement niya pagdating sa pagbibigay-buhay sa mga katauhang kanyang ginagampanan sa mga palatuntunan na mula sa Kamuning network.

Sa totoo lang, ang mga kalalakihang mahilig sa tulad niya na isa sa pinakamagandang babae sa buong sansinukob, inspirasyon, kilig at ligaya ang kanyang ibinibigay.

Marami nga ang nanalig na kung may pelikulang dapat pagbidahan si Rabiya, ito ay ang makabagong bersyon ng “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” na talaga namang nagpasikat at naging behikulo para maipakita ni Rosanna Roces na siya ay hindi lamang sexy star kundu mahusay na aktres.

Rabiya, bilang si Ligaya, ay patok na patok ito, sigurado! Garantisado! Ibang klase ang kaseksihan ng dalaga, na siyento porsiyentong nagpabilis sa kalabog ng puso ng maraming hombre at nagpapainit sa kanilang mga katawang lupa at pampabuhay at nagpapangalit ng mga ugat!

Tunay ngang pangmalakasan ang iyong pangrahuyo at kakaiba ang taglay mong pambihira, Rabiya Mateo!

***

Ang nag-iisang anak nina Kris Aquino at James Yap Sr., si James Yap Jr., na mas kilala at tanyag sa kanyang palayaw na Bimby, biktima ng pekeng balita.

May isang mapangahas na Facebook pahina kung saan ipinangalandakan nito ang balita na “Bimby Aquino, ISINAPUBLIKO na ang kanyang longtime boyfriend.” Masisilayan sa nasabing pahina ang isang larawan na may dalawang lalaki na naghahalikan at pinalalabas ng nagpost na si Bimby ‘yung isang guy. Malala ang pag-iimbento na mula sa FB pahina kasi nga may sinipi ito na ang mababasa ay: “Mahal ko siya. . .” na pinagsisigawan sa pahina na pahayag ni Bimby.

Sangkot ang isang personahe sa fake news kasi nga isinama ang larawan niya sa paandar at sa kanya diumano nagtapat ang bunso ni Kristina Bernadette.

Naging usapin ang pekeng balita at marami ang nababaghala tungkol dito. May mga umuudyok sa nanay ni Bimby na idemanda ang mga nag-post at nagkalat ng maling balita dahil sobrang nakakasira ito para sa anak niya kay James Sr.

Kung nakarating na ang pekeng balitang ito kay Kris Aquino, malalaman natin tiyak ang gagawin niyang hakbang. Tiyak na kahit na may karamdaman siya, hindi niya palalagpasin ang mapanirang puri at tampalasan ng nasabing FB pahina at siguradong may law firm na magsasalita para sa kanyang anak at magsasampa ng dapat isampa.