DYARYO TIRADA

Marian Rivera kaantas na sina Nora Aunor at Vilma Santos

Alwin Ignacio
INALAY ni Marian Rivera ang kanyang panalo sa kanyang direktor, mga kasama at pamilya.

Dahil isa siya sa hinirang na pinakamahusay na pangunahing aktres at inuwi ang tropeong Balanghai, ang 2024 Cinemalaya winner para sa Kip Oebanda’s “Balota,” si Marian Rivera, sinasabing kaantas na nina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos.

Ang dalawa sa longest reigning movie queens, ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts, inuwi ang Balanghai sampung taon na ang nakalilipas, para sa pelikulang “Hustisya.” Ang tinuturing naman na Pambansang Kayamanan, si Santos ang mas naunang nagka-tropeong Balanghai para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ekstra.”

Katabla ni Mrs. Marian Rivera-Dantes si Gabby Padilla para sa pelikulang “Kono Basho.”

Ang pangalawang pinakabatang best actor winner ay si Enzo Osorio mula sa pelikulang “The Hearing.” Ang kauna-unahang batang aktor na nag-uwi sa Balanghai ay si Noel Comia Jr. para sa pelikulang “Kiko Boksingero” na film in competition sa Cinemalaya noong 2017.

Ang iba pang A-lister Balanghai winning actresses ay sina AiAi delas Alas para sa “School Bus” at Eugene Domingo para sa “Babae sa Septic Tank.”

Sa kanyang talumpati, inalay ni Rivera ang kanyang panalo sa kanyang direktor, mga kasama at siempre pa sa asawang si Dingdong Dantes na buong-buo ang suporta at kumpiyansa na kaya niyang bigyang buhay ang kanyang katauhan, sa mga anak niyang sina Zia na giliw na giliw sa mga kwento niya tungkol sa shooting, bunsong si Sixto na binibilang ang mga sugat niyang tinamo sa shooting at siempre pa, sa lahat ng mga guro, na inalalaban ang pagiging sagrado ng mga balota at pagboto tuwing eleksyon.

Nitong Lunes, 40 years old na si Marian at tunay na napakagandang sopresa at regalo sa kanya ang tanghaling pinakamahusay na aktres sa 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

***

Sa patuloy na pag-ikot ng drama sa totoong buhay na itatago natin sa alegasyon ni Sandro Muhlach na diumano siya ay naging biktima ng mga bakla, humarap na imbestigayon sa Senado ang mga independent contractor na inaakusahan, sina Jojo Dones at Dode Cruz.

Ang kanilang opisyal na pahayag na kanilang binasa sa Senado, kung susumahin ay bakla nga sila pero hindi sila mga abuser, hindi gumagawa ng masama sa kapwa at may takot sa Diyos.

Hinihiling rin nila kay young master Muhlach na katotohanan at tanging katotohanan lamang ang sabihin at isiwalat ang tunay na nilalaman ng puso nito.

Habang tinintipa ang pitak na ito, hindi pa rin tapos ang usaping Sandro Muhlach at mga independent contractor sa Senado at mga sesyon pa ring magaganap patungkol sa pangyayari at iba pang kaganapan lalo na nga’t may panibagong alegasyon na naman ang lumutang na ngayon naman ang bida-bida ay baklang taga-TV 5 at isang male talent.