DYARYO TIRADA

Manibela nagprotesta uli

Sebastian Navarro

Naglunsad nitong Lunes ang transport group na Manidela na naghihimok pa rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibasura ang Public Transport Modernization Program.

Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, nakapokus ang naturang strike sa mga protest center sa Monumento, Nagtahan, Pasig Palengke, Starmall-Alabang, Gatchalian Puregold Parañaque, Punta Tulay Manila, Muñoz Market Quezon City, Marcos Hi-Way Marikina, Shell- Brgy Gulod Novaliches QC, Camarin Zapote Road North Caloocan at Pulang Lupa Bernabe Las Piñas City.

Umaasa naman ang grupo na mapakinggan sila ng Pangulo at mabasa ang resolution ng Senado na nananawagan para sa suspensiyon ng programa.

Sinabi din ni Valbuena na hindi pa handa ang bansa para sa PUV Modernization program.

Ang transport strike ng grupo ay patikim pa lang umano sa kanilang ilulunsad na tatlong araw na tigil pasada sa Miyerkules, Agosto 14 hanggang Biyernes, Agosto 16.

Matatandaan na inilunsad ang programa noon pang 2017 subalit naantala ng ilang beses dahil sa mga protesta at pagtama ng COVID-19.

Katwiran kasi ng mga tsuper na tutol dito ay ang pagbili ng napakamahal na bago at modernong unit na maglulubog lamang aniya sa kanila sa utang at hindi aniya sila makakaipon ng pera para mabayaran ang kanilang mga pagkakautang.