DYARYO TIRADA

PBB housemate Fyang hirap bilang content creator

Alex Brosas

Hindi naging madali para kay Fyang (Sofia Smith in real life), isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother Gen 11 edition, na maging content creator.

“Sixteen ako nang maging content creator. Hindi ko naman in-expect na magugustuhan ako ng mga tao kasi hindi naman kagusto-gusto yung ugali kobng ibang tao. Like, grabe mag-judge ang ibang tao,” say ni Fyang kay Kuya.

Aminado si Fyang na hindi madali ang maging isang content creator.

“Bilang content creator, hindi rin madali. Konting pagkakamali mo lang ay pupunahin ka na ng mga tao. Ang akala nila sobrang bad person mo na. Yung pinaniniwalaan ng mga tao ay yung nakikita nila sa social media.

“Pero at the same time ay masaya ding maging content creator kasi minsan nakakapag-provide ka na sa family mo, nakakapag-provide ka pa sa sarili mo,” say niya.

Wala man sa kanyang hitsura ang naghihirap ay ini-reveal ni Fyang na nanggaling siya sa mahirap na pamilya.

“Noong bata talaga ako, naranasan namin ang hirap sa buhay. Porke ganito ang hitsura ko, parang yayamanin, no. Naranasan naming nangungutang sa tindahan para lang may makain. Kaya siguro pinush ko ang sarili ko para hindi na maulit ang ganon sa buhay namin,” kuwento niya.

Matured kaya ang iba pang mga pangarap ni Fyang pagkatapos ng PBB? Yan ang ating aabangan.