[FILE] Senator Christopher "Bong" Go 
LOCAL

Senator Bong Go Backs Health and Economic Initiatives in SONA 2024

Senator Bong Go Lauds Health Commitments, Calls for Action on Key National Issues in SONA 2024

Christopher Lawrence “Bong” Go

STATEMENT OF SEN. BONG GO: Re: SONA 2024

Ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang mga Super Health Center sa buong bansa ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng access sa pangangalagang pangkalusugan sa Pilipinas. Bilang Tagapangulo ng Senate Health Committee, matagal ko nang isinusulong ang pagdadala ng mga mahahalagang serbisyong medikal sa mga komunidad na hindi gaanong napaglilingkuran, lalo na sa mga malalayong lugar at mga rehiyong nahaharap sa mga hamon sa ekonomiya.

Ang komprehensibong inisyatiba sa pangangalagang pangkalusugan na ito ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng mga pasilidad. Kasama rito ang pagpapalakas ng mga programang tulong-medikal ng Malasakit Centers, pagpapalawak ng saklaw ng PhilHealth, at pagpapatupad ng Regional Specialty Centers Act - isang batas na ipinagmalaki kong inisponsor at tinulungang isulat. Ang magkakaugnay na mga pagsisikap na ito ay nagpapatibay sa aming paniniwala na ang de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan ay hindi isang pribilehiyo, kundi isang pangunahing karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

As Chair of the Senate Sports Committee, I look forward to the administration’s thrust to further support health-enhancing sports programs. For me, this must be a key aspect of our continuing fight against illegal drugs. Let us encourage the youth to get into sports, stay away from vices like illegal drugs to keep us healthy and fit!

Kaisa rin po tayo sa anunsyo ng Pangulo na total ban sa POGO operations sa buong bansa. Nararapat lamang gawing prayoridad ang peace and order at security ng mga Pilipino.

Babantayan natin ang mga pangakong naibahagi ng administrasyon tulad ng:

1. Pagpapaigting sa suporta sa local agricultural production at pagtugon sa swine flu na talaga namang humahamon sa ating food security. Importante para sa akin ang laman ng tiyan ng mga Pilipino.

2. Pagtugon sa inflation na ayon mismo sa Pangulo ay nagpapahirap sa mga Pilipino, sana ay hindi ito tuluyang mapabayaan.

3. Lalo pang ibaba ang unemployment rate sa bansa para matiyak na may sapat na kabuhayan ang mga karaniwang Pilipino.

4. Ang pagpapagawa ng karagdagang irrigation systems at pagpaparami pa ng mga KADIWA stores para ilapit sa mga tao ang abot-kayang pagkain.

5. Maremedyuhan ang pangangailangan ng mga lugar na wala pang kuryente at madalas mag-brownout.

6. Ang ipaglaban ang tunay na atin pagdating sa isyu ng West Philippine Sea. Sana lang ay magawa ito sa mapayapa at diplomatikong paraan. Ayaw natin ng gulo. But what is ours is ours. Ang importante ay maproteksyunan ang buhay at kabuhayan ng bawat Pilipino.

Nananawagan po ako sa Ehekutibo na tiyaking prayoridad ang pagtulong sa mga mahihirap. Ang importante po: WALANG MAIIWAN, WALANG MAGUGUTOM na Pilipino.

Suportado rin po natin ang pagtaas sa coverage at benefits ng PhilHealth. Pwede naman pala madagdagan ang mga programs ng PhilHealth, kung tutuusin, para mas mabawasan ang bigat na dala na mahihirap na pasyente. Sa kabila nito, muli nating iginigiit na dapat talaga ay magamit ang pera at mga programa sa tama. Ang pondo ng PhilHealth ay dapat para sa Health. Ang pondong nakalaan para sa kalusugan ay dapat magamit para sa kalusugan. Ito ang tatalakayin namin sa Senate Hearing ng Committee on Health sa Huwebes.

Sumusuporta naman ako sa mga magagandang programa at plano ng administrasyon. Ngunit mas inaantabayanan ko ang resulta ng mga ito na dapat ay mapapakinabangan ng mga mahihirap nating kababayang Pilipino.

Ang importante talaga sa bawat SONA ay hindi lamang ang salitang binibitawan ng Pangulo, kundi ang aksyon na susunod dito para maisakatuparan ang serbisyong naipapangako sa taumbayan.

I hope and pray that the administration will give priority to policies and programs that will directly benefit and uplift the lives of the poor, the helpless, and the hopeless who need government attention the most.

Maraming salamat po.