Iniulat ng mga otoridad na apat na construction worker ang nasawi nang matabunan sila ng gumuhong lupa sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Antipolo, Rizal.
Batay sa mga ulat, sinabing nangyari ang insidente dakong 3:30 p.m. nitong Miyerkules sa Fairmount Hills Subdivision sa Antipolo City kung saan gumuho umano ang lupa sa itaas na bahagi ng bangin at natabunan ang mga biktima na naghuhukay sa ibaba.
Tatlo sa mga kasamahan ng mga nasawi ang nasagip. Isa kanila ang nakatakbo kaagad, habang kalahati ng katawan ang nabaon sa dalawa pa.
Dahil sa insidente, iniutos ng lokal na pamahalaan ng Antipolo na suspindihin muna ang ginagawa sa lugar.
“Yung lupa po medyo loose po siya. Yung mismong excavation methodology kung saan, siyempre, may safety standards yun dapat. Since hilly yung lugar, kapag nag-cut tayo, dapat lalagyan ng retaining wall to protect other parts,” ayon kay Antipolo LGU spokesperson Relly Bernardo.