Wala pa ring kupas at talagang may pangrahuyo sa mga barakong totoo ang aktres na si Althea Vega.
Marami pa rin ang nakakaalala sa mahusay niyang pagganap at pagbibigay sa katauhan niya sa “Amor Y Muerte,” ang isa sa pinag-usapang pelikula at siksik, liglig at umaapaw ang kinita nito sa takilya bilang isa sa pelikulang kasali sa kumpetisyon noong itinanghal ito sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong 2013.
Sa ngayon, pasabog kung pasabog at talagang maraming mga nagngagalit ang ugat tuwing masisilayan ang kanyang kayumangging kaligatang alindog sa matutunghayan at mabibisita sa kanyang pangmalakasang Instagram account.
Haling na haling ang mga hombreng lehitimo at walang bahid sa kanyang kariktan dahil nga may mga larawan sa nasabi niyang pahina na talaga namang palong-palo kasi nga sa mga swimsuit niyang saplot.
Fitness at wellness advocate na sa kasalukuyan si Althea kaya hindi na kataka-taka na may pahayag siya tungkol sa estado ng pigurang pang-bathaluman. Sabi ni Vega: “My kind of look when I work hard enough and grateful knowing I see the results of my hard work.”
Dahil sa kanyang dedikasyon sa kaniyang health at wellness na adbokasiya, pinarangalan si Althea ng Director’s Award sa nagdaang Miss Swimsuit USA International Model Search noong isang taon.
Brown is beautiful at may trim body, at sexy siya at alam na alam niya ito, ang kumpiyansa at disiplina sa pangangatawan ang siyang dahilan, kaya ang taglay niyang pambihira, ang body beautiful ni Althea Vega, ay may pangrahuyong tunay.
Maraming mga barakong totoo ang umaasa na magbalik na sa pelikula at telebisyon ang mapanghalinang si Althea Vega.