DYARYO TIRADA

Sapat na suplay ng kuryente sa Batangas

Neil Alcober

May suggestion ang mga local businessmen sa lalawigan ng Batangas, pati na ang mga nagma-may-ari ng beach resorts, na lubos na naapektuhan ang operasyon dahil sa madalas na brownout, na payagan nang makapasok sa Batangas ang malalaking kumpanyang nagsu-suplay ng elektrisidad, katulad ng Meralco, para masiguro na may sapat silang suplay ng kuryente.

Hindi lingid sa lahat na ang Meralco ang pinakamalaking pribadong kumpanya sa bansa na nagdi-distribute ng kuryente. Ito ay nagsu-suplay ng kuryente sa 39 na lungsod at 72 munisipalidad, at may 55 percent na bahagi sa pangkalahatang ibinibigay na elektrisidad sa bansa.

Nakikipag-usap na ang Meralco sa mga lokal na kooperatiba ng kuryente katulad ng Batangas I Electric Cooperative, Inc. at Batangas II Electric Cooperative, Inc. para magkaroon ng pormal na pagsasanib pwersa para tugunan ang pangangailangan ng sapat na enerhiya sa probinsya.

Kung susuriing mabuti ang maibabalik sa ekonomiya, may sapat na teknikal na kakayanan ang Meralco at magagamit pa nito mga asset ng mga linya ng distribusyon sa mga prangkisa nito sa Cavite, Laguna at Quezon para matulungan ang di pa sakop ng prangkisa nito.

May pinasyal na kapasidad ang Meralco para mangapital upang pag-ibayuhin ang serbisyo para nga kustomer, kasama na ang training para madebelop at mahasa pang mabuti ang mga empleyado nito.

Ang Batangas ang may ikatlong mataas na kontribusyong ng GDP sa ekonomiya ng CALABARZON, pagkatapos ng Laguna at Cavite. Ayon sa pag-aaral, kapag mataas ang GDP ng isang lalawigan, mas mataas din pangagailangan nito ng suplay ng enerhiya dahil sa mataas na konsumo ng kuryente.

Sa kalukuyan, ang suplay ng kuryente sa Batangas ang hindi sapat para suportahan ang plano nitong industrilisasyon. Mga lokal na kooperatiba ng kuryente ang nagsu-suplay ng pangangailangang enerhiya sa lalawigan.

Pero ang problema, hindi kayang suplayan ng kuryente ng mga kooperatiba ang kailangan ng mga negosyante, kaya madalas pumapalya ang suplay na nagreresulta sa mahabang brownout o hindi maasahang dami ng suplay at iba pang masamang serbisyo na nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga lokal na kumpanya.

Dahil sa madalas na paghinto ng suplay ng kuryente, hindi tuloy makapagbigay ng episyenteng serbisyo ang mga kumpanya sa kanilang kustomer, at madalas pa nagiging sanhi para madaling masira ang kanilang mga kasangkapan.

Ang nakakalungkot, dahil limitado lang ang kapital ng mga kooperatiba, wala silang kakayahan para ayusin at pagandahin ang kanilang mga pasilidad at serbisyo kaya naantala ang paglago ng lokal na ekonomiya.

Kasama sa priyoridad ng socio-economic agenda ng Pangulong Feedinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaroon ng seguridad sa enerhiya sa bansa. Naniniwala ang Pangulo na ang sapat na suplay enerhiya ay importante para maka-engganyo pa ng mga banyagang negosyante na pumasok sa bansa na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.