(FILES) VP Sara Duterte 
DYARYO TIRADA

Ang susunod na DepEd secretary

Neil Alcober

Sa biglaang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang secretary ng Department of Education ay dapat tiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang susunod na kalihim ng kagawaran ay may sapat na kakayanan para pamunuan ang ahensya lalo na’t nalalapit na naman ang pasukan.

Hindi biro ang maging kalihim ng DepEd lalo na’t ito ang pinakamalaking ahensya ng gobyerno sa bansa–millions of learners and thousands of schools nationwide ang pinangangasiwaan nito.

Sa dami ng suliranin sa edukasyon hindi pwede na kung sino-sino nalang ang ilalagay sa kagawaran bilang susunod na kalihim.

Suggestion ng Teachers’ Dignity Coalition at ng Department of Education National Employees Union na mas mainam kung hindi politician or actively involved in partisan politics ang susunod na kalihim nang sa ganon hindi madamay sa away politika ang kagawaran.

Mas maganda anila kung galing sa academe o public education sector. Mas mainam kung may karanasan sa pagtuturo o dating public school teacher who rose from the ranks na naging school principal, naging schools division superintendent, naging regional director, at naging assistant secretary o undersecretary ng kagawaran.

Ayon sa TDC, ang susunod na kalihim bukod sa pagiging mahusay na manager ay dapat lubos na nauunawaan ang tunay na sitwasyon on the ground at may puso sa mga mag-aaral at mga guro.

Panawagan naman ng DepEd NEU sa susunod na kalihim ng kagawaran na ituloy nito ang mga magagandang programa at proyekto ni Sara Duterte, katulad na lamang ng Matatag Curriculum.

Hinihikayat din ng grupo si Pangulong Bongbong Marcos na madaliin ang pagtatalaga ng susunod na DepEd secretary na magpapatuloy sa mga reporma at inisyatiba na naglalayong maiangat ang antas ng edukasyon sa bansa.

Nakahanda umanong makipagtulungan ang DepEd NEU sa bagong liderato ng kagawaran.

Samantala, iminumungkahi ng grupo kay Pangulong Bongbong Marcos na ‘wag nang lalayo pa para maghanap ng susunod na secretary ng DepEd. Dyan daw mismo sa bakuran ng ahensya ay marami na pwedeng pagpilian bilang susunod na kalihim katulad na lamang nina Asec Francis Bringas, RD Willie Cabral, at Asec Alma Torio–who all rose from the ranks na nagsimula bilang public school teachers.