DYARYO TIRADA

Iba’t ibang grupo suporta sa franchise renewal ng Meralco

Neil Alcober

Bumubuhos ngayon ang suporta para sa franchise renewal ng Meralco, ang pinakamalaking power distributor sa bansa. Nakatakdang mag-expire ang legislative franchise ng Meralco sa 2028 o tatlong taon mula ngayon.

Isa na rito ang grupong AKO-OFW or Advocates and Keepers Organization of Overseas Filipino Workers na nagpahayag ng buong suporta para sa patuloy na operasyon ng Meralco.

Sinabi ni AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap na mahalaga anya ang papel na ginagampanan ng Meralco sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

“It has always been our desire to ensure that families of OFWs have a good quality of life, which is only possible if we have reliable service providers like Meralco that support the country’s economic development—which we believe will help bring back OFWs home,” ani Umandap.

Dagdag pa ni Umandap na malaking tulong sa pagpapaunlad ng mga negosyo at industriya ang “reliable electricity service” kung saan maraming mga Pilipino, maging ang mga pamilya, ang mabibigyan ng trabaho at hanap-buhay.

Kamakailan lang ay finile ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang House Bill No. 9793 na naglalayong i-renew ang prangkisa ng Meralco para sa isa pang 25 taon.

Nagpahayag din ng kanilang suport sa Meralco ang Makati Business Club at ang Management Association of the Philippines kung saan inendorso nila ang franchise renewal ng kompanya.

Agad namang pinuri ni Cagayan de Oro City’s second district congressman at House committee on constitutional amendments chairman Rep. Rufus Rodriguez ang naging desisyong ito ng dalawang organisasyon at sinabing nasa tamang direksyon anya ang hakbanging ito.

Hawak ng distribution utility company sa pagtugon sa pangangailangan sa kuryenye ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at piling lugar sa mga lalawigan ng Pampanga, Laguna, Batangas at Quezon, ayon sa MBC.

Binigyaan-diin naman ng MAP ang kahalagahan ng pag-renew ng prangkisa ng Meralco at sinabing napakalahaga ng papel na ginagampanan nito sa paghahatid ng reliable and stable electricity na napakahalaga para sa kaunlaran at kapakanan ng mga negosyo at sa sambayanang Pilipino.

Pinuri rin ng organisasyon ang kompanya dahil pagsusulong nito ng green energy kung saan nasa 64 porstento ang kontribusyon nito sa total energy consumption sa ilalim ng Green Energy Option Program sa loob ng franchise area nito.

Nagpapasalamat naman sa Meralco sa suportang ito. Anila, mas lalo pa nilang paghuhusayan ang kanilang serbisyo at titiyaking patuloy na maghahatid ng reliable and stable electricity supply sa mga consumers.