Marami ang natutuwa sa pagiging prangka at totoo ni adult content creator Salome Salvi. Kaswal at may kaprangkahan ito pagdating sa talastasan patungkol sa mga mga paksang sekswal.
Ang isa sa mga paksang laging naitatanong sa kanya ay tungkol sa haba, taba at sukat ng pagkalalaki. Kadalasan kasi, sinasabing ang pinagmamayabang na palo-palo ng mga barakong Pinoy ay kulang sa laki at tikas.
Ang paninindigan ni binibining Salvi tungkol sa paksang sukat ng mga pagkalalaki: “Lahat naman ng mga lahi, may olats may hindi, may tigasin may hindi. Ayokong isipin ng mga tao na mas may kinikilingan akong lahi at kinukumpura sila sa iba. Hindi ako ganun.”
“Anatomically po kasi, minsan ‘pag masyadong malaki yung ari ng lalaki, kahit anong lahi pa siya, iyon yung medyo matagal po bago tumigas o mag-erect,” mainam na paliwang ni Salome. “Kasi it takes more blood flow to the male genitalia to make it hard.”
Aniya pa: “Pero kasi hindi lang size ang factor as to whether magiging tigasin yung lalaki, mas malaking factor nga po yung mental state ng lalaki. Kahit anong galing niyan sa kama or gaano kalaki or kaliit ng ari niya, kung kabado po siya or walang connection sa kapartner niya, magiging olats ang performance niya sa sex.”
Dahil nga ang mga paksang sekswal at kasi nga bago siya naging artista ay adult content creation ang kanyang pinagkaka-abalahan, ano ba ang ginagawa niya sa mga nilalang sa social medyo na hidi na nga maginoo ay bastos pa.
Sabi ni Salome: “Nakikita at nararamdaman ko naman kapag immovable na ang tao sa opinyon niya at wala nang makakapagbago ng pag-iisip niya. Sa mga ganun po tsaka sa mga sobrang invasive at bastos na ang sinusulat at sinabi sa akin, blocked na lang.”
“Pero kapag nakikita ko na curious ang isang tao at receptive siya to new perspectives, I engage with them at nagrereply,” patuloy na niyang paglalahad, “Sa mga talagang nakakabuwisit ang pakikitungo sa akin, minsan makikipagbardagulan ako. Pero iniiwasan ko na ‘yun kasi naiintindihan ko naman na minsan masakit magsalita ang isang tao sa internet dahil may pinagdadaanan at naghahanap lang sila ng mapagtitripan online na mapagbubuntunan ng sama ng loob.”
Walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin ni Salomem bilang pagtatapos na pahayag, na ang mga Pinoy ay sadyang malilibog.
Tawang-tawa nitong sinabi: “Oo, malilibog ang mga Pinoy, hahaha! Hindi na mawawala ang katotohanan na iyan, hahaha!”