Inihayag ni Ukraine President Volodomyr Zelensky nitong Lunes na plano ng kanilang pamahalaan na magtayo ng embahada nila sa Pilipinas ngayong taon kasunod ng kanyang pagbisita sa bansa.
Nakipagpulong si Zelensky kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang para sa isang working visit.
Ayon kay Zelensky, napapanahon nang magtayo ng embahada nila sa Pilipinas dahil sa kasalukuyan ay sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine sa bahagi ng Asya.
Sinabi naman ni Marcos na magandang balita ang pagbubukas ng Ukraine ng kanilang embahada sa Manila.
Pinasalamatan naman ni Zelensky si Marcos sa kaniyang pagdalo sa Shangri-La dialogue 2024 sa Singapore kung saan sinabi nito na ang ginawa ng Pangulo ay isang malakas na mensahe kung saan ito ay maliit na hakbang tungo sa kapayapaan.
Nalulugod si Zelenskyy sa naging posisyon ni Marcos hinggil sa panggi giyera at pag okupa aniya ng Russia sa kanilang mga teritoryo.
Nagpasalamat din ang Ukraine President kay Marcos sa suporta at donasyon ng Pilipinas sa kanilang bansa habang patuloy na nahaharap sa epekto ng giyera.
Bago pa man humarap sina Marcos at Zelensky sa harap ng kani-kanilang cabinet officials, nagkaroon muna ng pag-uusap ang dalawang leader na sila lamang.
Kung maalala, supresang dumating si Zelensky sa Singapore sa ginanap na Shangri-la dialogue 2024.
Samantala, umaasa naman si Marcos na kapwa makakahanap ng maganda at mabuting paraan ang PIlipinas at Ukraine sa mga kinakaharap nitong hamon.
Ikinalugod ng Pang. Marcos ang pagbisita ni Zelensky sa bansa sa kabila ng mahigpit na travel schedule nito at nagkaroon pa ito ng panahon para bumisita sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na malaking bagay ang pagtungo sa bansa ni Zelenskyy upang mapag-usapan ang mga hamon na kanilang kinakaharap.
Sa pulong nila, sinabi ni Marcos na nakakatuwang magkita sila upang talakayin ang mga isyung karaniwan para sa parehong bansa.
Ayon sa Pangulo, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ni Zelensky na magpulong habang siya ay nasa Singapore.
Kung matatandaan, ang Pilipinas ay nahaharap sa patuloy na pambubully ng China at tangkang pag angkin sa territorial waters ng bansa, habang ang Uraine ay patuloy ding pinagtatangkaang sakupin ng Russia.
Dagdag pa ng Pangulo, hangad lamang sana niya na ang pagkikita nila ni Zelenskyy ay sa isang mas maganda at kaaya ayang sitwasyon.
”I know that the crisis in your country has occupied all of your attention and all of your time. It is a great pleasure to meet with you to discuss some of the issues that are common to our two countries and hopefully find ways for both of us together. Once again, I wish it were under better circumstances but I’m happy that you are able to come and visit with us, Mr. President,” pahayag ni Marcos.