Ang pangkat katkatera. Semplang Queen na ang gustong itawag sa mahusay na aktres na si Kim Molina. The WHO si Kim Molina? Ay! Ang lupit niyo naman sa inamorata ni Jerald Napoles, huh!
Si Kim ay isang aktres na galing sa teatro at tinuturing na may palong-palong cross over sa showbiz. Major, major hit ang una niyang leading lady pelikula, ang “Jowable” kaya ang Viva Films buo ang pananalig at paniniwala sa kanyang kakayahan na mang-rahuyo ng mga manonood.
Ang nakakabaliw, kahit pa nga may major at minor hits na ang aktres, mas marami ang bilang na bilang ang mga pelikula niyang super semplang sa takilya.
Isang halimbawa ay ang “My Zombabe” na ang reaksyon mula sa balana ay: “Ang alam ko Zombading. May pelikula bang ganiyan?”Ang pinakabago niyang pelikula na “Seoul Meyts”, na kahit pa nga pinangangalandakan na matagumpay ang mga pagtatanghal sa piling-piling sinehan na dinalaw nila ni Napoles, mas marami ang mga sinehan na hindi ito tinao. Pwede mo ngang pakawalan ang isang grupo ng mga elepante sa mga sinehan, huh!
Naku, naku, naku po! Sadyang nakatakda na bang iputong sa ulo ni Kim Molina ang titulong Semplang Queen? O sa pinaka-malapit na hinaharap eh muling aariba ang kanyang pelikula at papanoorin na talaga? May cult following naman ang tambalan ni Jerald Napoles kaya kata-taka at tunay na nakakahibang na naging luhaan at lugami sa takilya ang “Seoul Meyts”, huh!
***
Wala ring naitulong ang karangalan ni Kelvin Miranda, na hinirang na “Most Prolific Dramatic Actor Award” sa kauna-unahang Jinseo Arigato International Film Festival kung saan unang tinanghal ang pelikula niyang katambal si Kira Balinger, ang “Chances Are You and I.”
Pang-pakapal lang sa merito ni young master Miranda ang nasabing tropeo kasi nga ang pelikula nila ni Balinger. Walang chances na binigay ang mga mahilig manood ng pelikulang Pilipino. Mas pinili nila ang mag-cocoon sa kani-lanilang mga tahanan, o kaya ay mas dama nilang marami silang mas kapaki-pakinabang na dapat pagkaabalahan kesa panoorin ang pelikula.
Hindi pala pasok si Kelvin at Kira sa “a new love team is born” at mas claimed nila na ang “this new love team is doomed” dahil sa sawing palad na kapalaran nito.
Mula sa isang unimpeachable source, patungkol sa pelikula nina Miranda at Balinger, pati na rin ang kina Molina at Napoles: “Tried to catch Chances Are Youi and I at Seoul Meyts sa Glorietta cinemas. Perhong wala na sila. Checked an online entertainment portal cinema schedule kung saang sinehan sila available sa Makati. Palabas na lang sila sa isang hindi pa ganun tinatangkilik na mall sa Makati. Isang screening na lang ang Chances na 4 p.m. Dalawang screening nung una ang Seoul Meyts na biglang naging one screening na lang. The sorry state of Philippine cinema indeed.”
Tag-ulan season na, pero hindi pa rin maulan ang grasya sa mga pelikulang Pilipino? Ano nga kaya ang dapat gawin, my dear Chika Diva readers, para muling bumalik sa sinehan ang mga taong may pampanood?