DYARYO TIRADA

Dingdong Dantes itinangging may anak sa labas

Alex Brosas

Nagsalita na rin sa wakas si Dingdong Dantes kaugnay ng pagkakaroon niya ng anak sa starlet na si Lindsay de Vera.

Matagal nang may chika na mayroon siyang anak kay Lindsay at muli itong nabuhay through blind items sa social media at maging sa online shows.

Hindi totoo ‘Responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito.’

Sa recent interview ni Dingdong with Boy Abunda, sinabi ni Dingdong na wala siyang planong magsalita about the issue pero napuwersa siya dahil na rin sa nadamay ang kanyang pamilya.

“Sa totoo lang eh nagdadalawang-isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue kasi alam kong baka tanungin ninyo eh. Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa ‘kin and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin,” sabi ni Dingdong.

“I love my wife, I love my family very much, my kids. That’s why I’m saying it is not true,” pagde-deny niya.

Actually, matagal na ang chismis na may anak si Dingdong kay Lindsay at nagsalita na noon pa ang huli about it.

“Malakas po loob ko to tell them, to ask them to come forward with proof if they can. Patunayan po nila na nabuntis ako ni Kuya Dong,” sabi ni Lindsay noon.

Challenging Kusang tinanggap ni Xyriel Manabat ang katauhan ng isang dalagang ina.

Xyriel Manabat napuwersang mag-mature

Bilang isang dalagang ina sa High Street, ang part two ng hit series na “Senior High,” ay masasabing nag-mature na kaagad si Xyriel Manabat bilang actress.

‘Isa si Roxie sa may pinakamalaking change. Feeling ko, hindi naman forced pero masyadong napaaga ‘yung pagiging mature niya kasi kailangan niyang mag-raise ng child. Kailangan niyang mag-guide ng isang human being,” sabi ni Xyriel sa kanyang katauhan.

Challenge para sa actress ang gumanap bilang dalagang ina kaya tinanggap niya ito.

“Knowing Roxie na maagang naulila, I know she will do anything para maka-raise ng isang bata, di ma-experience noong bata na wala silang magulang,” ayon sa dalaga.

“Makikita natin ‘yung struggle ni Roxie, ‘yung pagiging independent niya, ‘yung pagpapakita kung gaano pa