DYARYO TIRADA

SB19, Flow G, Bini at Sunkissed Lola, sanib-pwersa para sa pagpapasaya

Alwin Ignacio

Kung ang mga ibang brand at kumpanya ay haling na haling at walang patumangga na gumagastos sa KPop artists para maging modelo nila, palakpakan na my kasamang sigawan ang dapat nating ibigay kay Aling Puring, kasi nga go for gold ang kanilang pagmamahal at suporta sa mga talentado at world class OPM at PPop artist.

Pinakabagong sinusuportahan ng Puregold ang rock band na mula sa Olongapo, ang Sunkissed Lola, na binubuo nina Dan Ombao, Alvin Serito, Laura Lacbain, Danj Quimson, Genson Vikoria at Rodnie Resos.

Ilan sa kanilang rock anthems na yinakap ng mga mahilig sa orihinal na Pilipinong musika ay ang “Pasilyo”, “Pakisani” at “White Toyota”. Ang kanilang pinakasikat na awit, ang “Pasilyo” ang nag-iisang Michael V, may ginawang parody bersyon nito, huh! Ang bongga, hindi ba naman?

Ang inyong lingkod, napag-alaman na more chances of winning na si Flow G na ang totoong pangalan ay Archie Basilio dela Cruz at ang Philippine pride at Southeast Asian Pop Superstars, ang SB19 ay malaki ang posibilidad na magiging bagong Puregold endorsers nila.

Ayon sa isang online post, si Flow G at ang Mahalima ang dalawa sa pinakamalaki ang networth na Filipino performers. Nangunguna si young master Arche Basilio at nasa ika-limang pwesto naman sina John Paulo Nase, Josh Cullen Santos, Justin De Dios, Ken Suson at Stell Ajero. Ay! Laban na laban!

Ang SB19 ay palipad na Dubai at Japan ngayong buwan para sa kanilang Pagtatag Asian Tour at sa Mayo naman, magagagnap ang kanilang two nights sold out konsiyerto sa Araneta Coliseum.

Mula sa aming mapapagkatiwalaang source, kasama rin ang kasaukuyang girl wonder group, ang Bini sa posibleng bagong Puregold endorsers.

Alam naman natin ang mga galawan at professionalism ng Puregold tungkol sa ganitong kaganapan, makaka-asa tayong may malakang may malakasang pasabog at payanig sila para sa mga mang-aawit na ito. Kaabang-abang at kaantay-antay na development, hindi ba naman?

***

Ang pinakamamahal nating Vice Chairman Brandon Manansala Castillo, si Sir BMC, ang katauhan ni dramatic actor Paulo Avelino sa Philippine adaptation ng “What’s Wrong With Secretary Kim,” OA na nga sa init ang summer, lalo pang dinadagdagan ang sagitsit nito kasi nga itong si master Avelino pangmalakasan ang pagbabahagi sa kanyang workout paandar huh! Siempre ang mga kababaihan, sangkabekihan, isama na rin natin ang mga lalaking nakikipagtalik sa mga kapwa nila lalaki, happy fiesta at malapit na magdeliryo dahil sa kaganapang ito ni the other Papa P.

Sa Instagram mapapanood ang yummylicious workout moments ni Paulo. Iba’t ibang exercises ang ipinasilip ni Paulo para lumaki ang kanyang muscles at the right places at hindi niya ito ginagawa dahil gusto niyang maging sex object, sa true lang. Malalaman sa video postings na kaya niya talagang kinakarir ang wellness episode na ito ay para makabangon sa isang injury.

Mukhang may iniinda sa kanyang balikat si master Avelino. Pahayag niya nga: “Whenever I get injured, I don’t stop. I always assess what I’ve done wrong, immediately get back up and make sure I get stronger.”

Ay! Mas malakas, mas matikas, mas matatag, at mas masarap na Paulo Avelino? Why not Choc Nut?! Paano mo naman hindi mamahalin ang isang lalaking katulad niya, hindi ba my dear Chika Diva mambabasa? Wagi!