DYARYO TIRADA

Kasal ni Andi Eigenmann postponed

Alex Brosas

Hindi na pala matutuloy ang kasal ni Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo.

Sa isang interview ay sinabi ni Andi kung bakit postponed muna ang kanyang wedding kay Philmar.

Ayon kay Andi, may kinalaman ang pagyao ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa kung bakit naantala ang kanyang wedding.

“Honestly, we wanted to get married this year. But under the circumstances, we decided to wait a bit. It was supposed to be for mom,” say ni Andi.

“Slowly, I hope I will get there. But I know she is proud, she loves me, and her grandchildren so I will focus on the good things, and my family,” dagdag pa niya.

Itsinika rin Andi na natutunan agad ng kanyang mga anak na tanggapin ang pagkawala ni Jaclyn.

“It is touching. My two younger children, without having to explain, they understand the situation. We always go to Manila, so they always look for ‘Nanay.’ They really wondered. But now, I think they understand now. Which is weird, since they are so young,” say niya.

***

Katuwa ang kakulitan ng It's Showtime host na sina Vice Ganda at Anne Curtis

Sinita kasi ni Meme sina Anne at Kim dahil absent ang dalawa last Saturday na Grand Finals ng TNT Kids.  Wala ang dalawa sa show dahil umattend sila sa kasal ng kaibigang si Angelica Panganiban.

Sa Twitter account ng  AltStarMagic ay mayroong video kung saan mapapanood na masayan sumayaw sina Kim at Anne.

“Bakit kayo absent? Grand finals nung Saturday?," paninita ni Vice Ganda kina Anne at Kim.

 “Ang mga fowtah sa siargao pala nag prod number! Hahaha! Chozzz," dagdag pa niya

“Yes sis. Sabi mo Diba. Mag prod Kami @prinsesachinita.  Oh Ayan," reply naman ni Anne.

Aliw na aliw ang netizens sa kulitan ng It's Showtime hosts.

"the fact that meme was able to use the word "fowtah" to address Anne and Kim publicly proves how deep their friendship is... walang halong kaplastikan to the point na kayang nilang murahin sa socmed na walang pagpapanggap dahil alam ng lahat na pabiro lang ang mga ganyang salita at walang iba pang kahulugan...I am so into this kind of friendship, mga kanal with class."

"Napapangiti ako sa Caption maski d ko kita pictures at video.Malalim na talaga pagkakaibigan ng mga ito,kuha ang kiliti ng bawat isa."

"Nakakatuwa talaga sila  ang gaan sa work pag ganyan Kasama mo puro kulitan."