DYARYO TIRADA

Franki Russell, may pinatunayan

Cheriel Lazo

Hindi maikakailang may napatunayan na ang dating "PBB" housemate from New Zealand na si Franki Russel sa kanyang naging performance sa pinakabagong offering ng Vivamax na "Laruan" kung saan isa siya sa mga bida.

Sa mga nakapanood ng private screening ng pelikula, sinabi ng ilan na napakalaki ng improvement sa akting ngayon ng dalaga kesa sa unang pelikula niyang "Pabuya" kung saan nakatambal niya ang kanyang rumored boyfriend na si Diego Loyzaga

Bagay na bagay sa kanya ang bida-kontrabida role niya sa "Laruan" na isinulat at idinirek ng isa sa mga favorite naming horror director na si Yam Laranas.

Talagang nabigyan ni Franki ng hustisya ang karakter ni Camille sa movie bilang isang "mean scheming, domineering and manipulative" na misis ni Jay Manalo at kabit ni Kiko Estrada.

Bukod sa mga pasabog na sex scenes nila ni Kiko Estrada, talagang may pinatunayan si Franki sa "Laruan" na siguradong ikagugulat ng mga manonood.

Super pasalamat naman ang aktres sa mga pumuri sa kanya sa pelikula.

"Camille is so far from the real me. She's so twisted. I cannot relate to my character. She smokes, and I don't even smoke. But it's necessary to the role kasi sobrang sosyal si Camille. And with the help of Direk Yam who guided me all the way, I'm glad you now say I'm good in my role," sabi ni Franki.

Noong una, ang gusto raw niya talagang gawin ay mga romantic roles, "Yung sweet love story like 'The Notebook'. I never thought I could play a challenging role like this. But doing it is so much fun kasi it bring out a side of me, that mean streak I'm not even aware of.

"I've seen some of Direk Yam's past movies and I like them so I felt I just have to be a part of this new film of his. I just fully trusted him and I think he's able to bring out the best in me," sabi pa ng dalaga.

Ibang-iba rin ito sa mga past Vivamax movies ni Yam Laranas tulad ng "Death of a Girlfriend", "Paraluman" at "Greed" kaya siguradong maninibago ang manonood, lalo na ang ginawa niyang atake sa ending.