May mga kumakalat na balita ngayon na may kaugnayan sa aktres na si Barbie Imperial kung saan may ilang mga kliyente umano ang dalaga na nagdadalawang-isip na siyang kunin at ayon pa sa mga umano'y balita ay may isang client na for product posting ay umatras na at ang isa naman umano ay on hold muna.
May ilang mga nagsasabi na ang dahilan umano nito ay ang kinasasangkutan ngayong kontrobersya ng dalaga na may may kaugnayan sa isang Viva artist na si Debbie Garcia kamakailan.
Ang mga usapan umano ay sinugod ni Barbie si Debbie sa isang bar and restaurant sa Quezon City kung saan part owner ang Kapamilya actress.
Tatlong kaso ang isinampa ni Debbie kay Barbie, ang slight physical injury, grave slander at grave oral defamation sa Quezon City Prosecutors Office. Pero bago nangyari ito ay nagpa-blotter muna ang una.
"Siyempre kapag ganitong may mga gulo, ayaw ng client kasi madadamay ang produkto nila, 'yung isa papahupain muna kasi gusto talaga nila si Barbie kasi nasubukan na nila kaya gusto nilang kunin ulit.
Yung isa umatras talaga, so, naghahanap ng iba," sabi ng ilan.
Nanatiling tahimik naman si Barbie at maraming gustong kunan siya ng reaksyon pero hindi pa siya nagsasalita sa ngayon