Dumating din pala sa point ng buhay ng aktres na si Gabbi Garcia na na-insecure siya sa kanyang itsura at aminado ang dalaga na hindi siya talaga comfortable at confident sa sarili niya hanggang noong high school days.
"I really had that ugly duckling phase pero parang siguro kasi I was just really carefree when I was a kid. Malakas 'yung self-esteem ko when I was a kid. So, parang I was like really comfortable with myself, but it wasn't easy. When I was in grade school, I wasn't that comfortable," kuwento ni Gabbi.
"May stage ako na parang, 'Bakit ganu'n? Lahat ng kasabayan ko mag-VTR, lahat sila artista na? Hindi ba ako maganda for showbiz?' May ganu'ng phase ako, promise. When I was in grade school, ang chinita ko na ang morena ko na parang laging akong pale. Tapos hindi ako payat, hindi rin ako mataba parang somewhere in the middle na hindi ko maintindihan. Yung pinaka-insecure akong stage was in grade school," dagdag pa niya.
Sabi pa ng dalaga, nang magsimula siya sa showbiz, unti-unti na siyang nagkaroon ng self-confidence pati na ang pagiging proud morena.
"When I was starting, uso pa rin talaga 'yung notion ng tao na kailangan mestisa ka para maganda ka. So, it's nice to be able to represent all the other Filipina girls who look like me na more, 'di ba?' I would always travel for different brands tapos may mga representative 'yan, kunwari pag Asia or minsan sa US din, per country may representative, and it's nice to represent the Filipina beauty 'di ba?'" sabi ni Gabbi.
Nilinaw naman agad ng aktres na hindi siya kontra sa mga taong nais magpabago ng kulay, basta sa ikasasaya at ikaliligaya ng mga ito.
"I mean nothing against girls who would like to be whiter. I mean, 'di ba, it's your body. You do you, kung saan ka masaya. But I also like to inspire all the other girls na natatakot na feeling nila ang society ang nagdi-dictate kung ano maganda," dagdag pa niya.