DYARYO TIRADA

Roberta Tamondong, runner-up sa Miss Grand International

Joy Asagra

Si Roberta Tamondong ang opisyal na itinalaga bilang 5th runner-up sa Miss Grand International 2022 matapos magbitiw sa titulo si Yuvna Gookool ng Mauritius.

Matatandaang ginanap ang coronation night ng nasabing pageant noong October 25 sa Indonesia na kung saan nagtapos si Roberta bilang isa sa semifinalist Top 20.

Naglabas ng "official announcement" ang MGI sa social media kalakip ang isang video na wine-welcome ang bagong 5th placer na si Roberta.

Nakasaad pa sa post na parte na siya ng "grand family" at kabilang na sa Top 10.

"Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022. She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year," saad ng post.

Base sa alituntunin ng MGI organization, ang kinokoronahang "5th placers" ay 'yung mga nabibilang mula sa top 6 hanggang 10.

Shinare din mismo ni Roberta ang post ng MGI at tuwang-tuwang sinabi na, "IT'S OFFICIAL!" at proud na proud ang maraming Pinoy fans at nagpaabot ng "congratulatory message" kay Roberta.

Noong October 28 nang isinapubliko ng organisasyon ang resignation ni Miss Grand Mauritius dahil hindi raw nito kayang gampanan umano ang tungkulin. Ngunit itinanggi naman ito mismo ng beauty queen at sinabihang "fake news."

Paliwanag niya, kaya raw siya nagbitiw sa pwesto dahil hindi naging maganda ang pakikitungo ng MGI sa kanya at sa iba pang organisasyon.