DYARYO TIRADA

Gillian Vicencio, sanay sa hirap

Joy Asagra

Sunud-sunod na ang blessings na natatanggap ngayon ng young actress na si Gillian Vicencio dahil sa kanyang role bilang Tox sa TV series na "2 Good 2 Be True."

Kung matatandaan, nakuha ang aktres para sa karakter niyang multo sa pelikulang "Eerie" ay siya ang napili mula sa 200 na nag-audition na pelikula nina Bea Alonzo at Ms Charo Santos-Concio na idinirek ni Mikhail Red na ipinalabas noong 2018.

Aminado naman ang dalaga na sanay siya sa hirap dahil sa squatter's area sa Quiapo sila nakatira at talagang ang bahay nila ay yari sa kahoy at sobrang enjoy niya ang childhood niya dahil naglalaro sila ng lutu-lutuan ng mga kalaro niya.

"Kahit po doon kami nakatira, 'yung education na ibinigay ng magulang namin ay maganda naman," sabi ni Gillian.

Inalala rin ng dalaga ang journey niya sa pagpasok sa showbiz.

"May kaibigan po ako na may kakilala na 'yung anak po niya nagko-commercial, in-open niya po sa akin 'yung commercial, siya po. Nag-aaral po ako sa UST (University of Sto. Tomas) doon na rin po ako nag-high school and then kinuha ko pong course was education tapos po nakilala ko 'yung professor nagbebenta siya ng hoodies tapos may mga models siya tapos may sinend siya sa akin na audition for Eerie, so, doon nap o nagsimula (lahat) nag-try po ako tapos awa ng Diyos ako po 'yung napili as 'Eerie' bilang multo," sabi ni Gillian.

"After 'Eerie' po kinuha ako ng Star Magic tapos nag launch po ang Star Magic Circle 2019 tapos may binigay po sila sa akin na digital series na Kargo po ang title at first time ko rin ako 'yung lead," dagdag niya.

Aminadong sobrang kabado dahil dumating siya sa point na tinanong niya ang sarili niya kung, "kaya ko ba? Para sa akin ba itong mga ginagawa ko dito? Magaling ba ako dito? Ang dami po kasi (artista) na magagaling talaga (at) magaganda na talentado talaga. Pero siyempre ibinigay 'yung opportunity bakit ko naman tatanggihan?"

At dito na nagtuloy ang karera niya pagkatapos ng "Eerie" at "Kargo" ay nasundan ng "Hellcome Home", "Hello Stranger", at itong "2 Good 2 Be True" bukod pa sa ilang "Maalaala Mo Kaya" guestings.