Photograph courtesy of AFP
ARTS / CULTURE
'Awit ng Putol na Dila'
Isang pagsasalin at pag-aangkop sa kontekstong Filipino ng 'Butchered Tongue' ni Hozier.
Unang muwang, at ang ngalan
Ng pook, aking harana.
Tunog ay naglalakbay sa bawat sulok ng labi.
Heleng ngalan "Aurora," o "Iloilo," o "Zamboanga."
Pangakong himig ng lupang hirang.
Bilang dalaga, pinagpalang makakita
Ng salitang gumigising sa taingang halos banyaga,
Ngunit matalik sa parinig, aking himig pa rin.
Dilang putol ko ay umaawit pa rin.
Tanggalan ng dila ang katutubong walang dangal.
Ilibing ang wika, pataba para sa bagong bayan.
Halos wala nang natira,
Hanggang sa istorya'y 'di na maabot at maaalala —
Kantang tahimik na.
Malayo na mula sa amin, tinawag akong "anak" nila,
At parang ako'y hinaplos, batang hinele, dinuyan.
Pook na "tahanan" ang ngalan.
Mga wikang inilibing.
Mga dilang putol, umaawit pa rin.