SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

READ: Henry Alcantara's sworn affidavit on flood control scheme

READ: Henry Alcantara's sworn affidavit on flood control scheme
Photo by Toto Lozano for DAILY TRIBUNE
Published on

At the 23 September Senate Blue Ribbon Committee hearing probing alleged flood control corruption, former DPWH engineer Henry Alcantara read a sworn statement where he implicated officials including Senators Jinggoy Estrada and Joel Villanueva and Rep. Zaldy Co. Read his full affidavit below:

READ: Henry Alcantara's sworn affidavit on flood control scheme
Alcantara names lawmakers, former exec in alleged flood fund racket

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako ay si ENGR. HENRY C. ALCANTARA, Pilipino, nasa wastong gulang, naninirahan sa No. 1 Alfredo St. Brgy. Duhat, Bocaue, Bulacan, matapos na makapanumpa alinsunod sa batas ay bukal sa aking kaloobang nagsasalaysay ng mga sumusunod:

  1. Ako ang dating Office-in-Charge Assistant Regional Director ng Department of Public Works and Highways (“DPWH”) Regional Office 4-A (“RO4A”). Dati rin akong nanungkulan bilang District Engineer ng DPWH Bulacan First District Engineering Office (“B1-DEO”).

  2. Kusang loob kong ginagawa itong Sinumpaang Salaysay na ito kaugnay sa aking aplikasyon para maging State Witness para sa anumang kasong kriminal na maaaring isampa laban sa akin na may kaugnayan sa mga nilalaman ng Sinumpaang Salaysay na ito.

  3. Nauunawaan ko na susuriin ng Department of Justice (“DOJ”) ang aking aplikasyon bilang State Witness ayon sa mga panuntunan na inilatag sa ilalim ng Republic Act No. 6981 (1991) o ang “Witness Protection, Security, and Benefit Act” o sa ilalim ng Rule 119, Section 17 ng Rules of Court.

  4. Nauunawaan ko din na ang mga nilalaman ng Sinumpaang Salaysay na ito ay maaaring gamitin sa mga pagdinig at paglilitis kaugnay sa mga anomalya sa mga proyekto ng DPWH sa Bulacan, kasama na rito ang mga:
    a. Isyu ng pagtungkol sa mga proyekto ng DPWH sa B1-DEO; at
    b. Mga tagapagtaguyod ng mga “insertions” sa National Budget kaugnay sa mga Flood Control Projects.

  5. Ang aking mga inihahayag na impormasyon ay base sa mga records at personal kong kaalaman ukol sa mga pagpundo at implementasyon ng mga flood control projects.

I. Undersecretary Roberto R. Bernardo

  1. Una kong nakilala si Undersecretary Roberto R. Bernardo (“Usec. Bernardo”) noong 1997. Nagkasama kami noon sa Laguna 2nd District Engineering Office (“DEO”). Siya ay dating Chief of Planning ng nasabing DEO. Unti-unting tumaas ang posisyon ni Usec. Bernardo sa DPWH. Napromote siya na Assistant District Engineer, tapos ay naging District Engineer hanggang sa maging Assistant Regional Director, Assistant Secretary at Undersecretary.

  2. Si Usec. Bernardo ang tumulong sa akin para maitagalok ako bilang District Engineer sa Bulacan 1st DEO noong 2019 noong panahon na ang Secretary ng DPWH ay si Mark Villar. Noong panahong iyon ay Undersecretary for Operations sa Visayas na si Usec. Bernardo.

  3. Taong 2022 nang magsimulang magpababa ng pondo sa aking DEO si Usec. Bernardo. Ang kasunduan ay 25% ang para sa proponent ng proyekto ayon kay Usec. Bernardo. Ang kabuuan ng mga proyektong naibaba ni Usec. Bernardo sa aking DEO ay nagkakahalagang P350M, na may sumusunod na mga detalye:

9. Sa P350M Bicam funds na nakasaad sa itaas, 20% o P70M ang aking nakolekta at idineliver kay Usec. Bernardo.

10. Noong 2023 ang kabuuan ng mga proyektong naipaibaba ni Usec. Bernardo sa aking DEO ay may halagang P710M. Mula sa halagang ito, P450M ang pumasok sa National Expenditure Program (“NEP”) at P260M naman ang nasa General Appropriations Act (“GAA”) pagkatapos nagkaroon ng mga insertions. Ang kasunduan ay 25% ang para sa proponent. May advance payment ito na 5%–15% na kalimitang hinihingi ni Usec. Bernardo kapag ganap na may NEP base sa pagdinig sa Kamara de Representante. Samantalang ang pondo sa BICAM ay may advance payment din na 5%–10% na kalimitang hinihingi matapos ang deliberasyon ng BICAM at ang balanse ay babayaran nang buo paglabas ng GAA kung saan ang mga insertions ay maaaring makumpirma. Ang detalye ng mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

11. Noong taong 2024 ay may kabuuang pondo na P3.3B (P150M NEP, P300M GAA, P2.85B UA) ang naipababa ni Usec. Bernardo sa aking DEO. Muling nagpatu­loy ang 25% na bayad sa proponent ng mga proyektong ito na ibinibigay ko kay Usec. Bernardo. Tulad noong 2023, ang usapan ay mayroong advance payment depende na lamang kung ito ay NEP o GAA insertions. Kalimitang inuutosan ko ang aking driver na dalhin ang proponent kay Usec. Bernardo sa Diamond Hotel parking na diretsong inilipat sa kanyang sasakyan. Ang detalye ng NEP 2024 ay ang mga sumusunod:

12. Ayon kay Usec. Bernardo ang GAA insertions noong 2024 na nagkakahalaga ng P300M ay para kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na noon ay kumakandidato bilang senador para sa 2025 senatorial elections. Sinabihan ako ni Usec. Bernardo na “Henry kay Sen Bong yan baka gusto mo tumulong sa kanya e dagdagan mo ang proponent ikaw na bahala.” Sinabi ko po kay Usec. Bernardo na “Sige po boss wala po problema.” Kaya po imbes na 25% ay naging 30% ang naging proponent ng nasabing mga proyekto bilang tulong ko na din sa kandidatura ni Sen Bong Revilla.

13. Noong taong 2024 din ay nagkaroon ng malaking alokasyon ng pondo si Usec. Bernardo sa aking DEO para sa Unprogrammed Appropriations (UA) na nagkakahalaga ng P2.85B. Dito ay nagkaroon ng pagbabago sa porsyento ng proponent na ngayon ay umabot na sa 30% kapag flood control, at 25% kapag ibang klaseng proyekto, na siya ko ding ibinibigay kay Usec. Bernardo sa pamamagitan ng aking driver. Ang detalye ng mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

14. Makikita sa listahan ng mga proyektong galing sa UA 2024 na hindi lamang flood control ang mga proyektong ito subalit ang proponent ay naglalaro sa halagang 25% to 30%.

15. Noong taong 2025, ay may kabuuang halaga na P2.55B (P1.650M NEP, P900M GAA) ang naipababa ni Usec. Bernardo sa aking DEO. Tulad ng mga nakaraang taon ang proponent ay nananatiling 25% ng kabuuang halaga ng pondo na naipababa ni Usec. Bernardo sa aking DEO. Ang detalye ng mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

II. Senator Emmanuel Joel Jose Villanueva

  1. Taong 2022, noong humiling si Senator Emmanuel Joel Jose Villanueva (“Sen. Joel”) ng proyektong multipurpose building na nagkakahalaga ng P1.5B. Sa halagang P1.5B ay P600M lamang ang napagbigyan na pondo para sa MPB. Hindi ito ikinatuwa ni Sen. Joel kaya napilitan kami gumawa ng paraan ni Usec. Bernardo.

  2. Hindi humingi ng partikular na proyekto o porsyento si Sen. Joel pero inutos ni Usec. Bernardo na bigyan na lamang ng proyekto na may katumbas na P150M na proponent itong si Sen. Joel. Dahil dito nabigyan si Sen. Joel ng proyekto sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 na nagkakahalaga ng P600M na pawang mga flood control na mga proyekto at kung susumahin sa 25% na proponent ay may halaga na P150M. Hindi alam ni Sen. Joel na flood control ang mga proyektong nailaan sa kanya dahil sa aking pagpapakilala ay ayaw ni Sen. Joel ng mga proyektong flood control.

  3. Ang halagang P150M ay dinala ko sa isang resthouse sa Brgy. Igluot, Bocaue, Bulacan na iniwan ko po sa tao nya na si “Peng”. Sinabi ko kay Peng na pakibigyan nalang kay Boss (Sen. Joel), tulong lamang iyon para sa future na plano niya. Pero hindi po nila alam na doon galing iyon sa flood control.

  4. Matapos po noon ay hindi na kami muling nag-usap.

    III. Senator Jinggoy Ejercito Estrada

    1. Sa pagkakatanda ko, nasa 2024 Budget Hearing kami sa Senado kasama si Usec. Bernardo, sa pagitan ng alas-9 hanggang alas-10 ng gabi. Habang kami ay naghihintay, tinanong ako ni Usec. Bernardo kung mayroon pa akong gustong lagyan, at mayroong pang available na P355M si “SJE.” Sabi ko po, “Boss, meron naman.” Sagot ni Usec. Bernardo sa akin ay ipasa ko agad sa kanya ang listahan sa oras na iyon.

    2. Agad-agad po akong nagpagawa ng listahan sa staff ko; at sa loob ng 10–15 minutes ay ipinasa ko na po ang listahan kay Usec. Bernardo.

    3. Ito po ang listahan ng mga proyektong nabanggit:

  1. Ang proponent po nito ay 25%, at ibinigay ko kay Usec. Bernardo kasama ang mga iba pang proponent sa mga pondong ibinaba niya sa akin para sa taong 2025.

  2. Wala po akong direktang transaksyon o direktang pakikipag-ugnayan kay Sen. Jinggoy.

IV. Congressman Elizaldy “Zaldy” S. Co

  1. Noong Agosto o Setyembre 2021, nagkakilala kami ni Congressman Elizaldy “Zaldy” S. Co (“Cong. Zaldy”) ng Ako Bicol Party List sa isang pagtitipon o meeting sa Shangri-La, Bonifacio Global City, Taguig. Doon ay napag-usapan namin ang plano ni Cong. Zaldy na sumubok na magbaba ng pondo papunta sa aking distrito para sa iba’t ibang proyekto.

  2. Pagkalipas ng higit kumulang isang buwan mula ng aming unang pagkikita ni Cong. Zaldy, ako ay nagpasa sa kanya listahan ng mga proyekto na may kaugnayan sa flood control. At ang mga proyektong ito ay lumabas sa General Appropriations Act of 2022:

27. Sa pagitan ng apat (4) na taon, o mula 2022 hanggang 2025, naging tagapagtaguyod si Cong. Zaldy ng mga proyekto sa B1-DEO. Mahigit kumulang Four Hundred Twenty-Six (426) na proyekto. Ang kabuuang halaga ng mga proyektong na ito ay hindi bababa sa Thirty-Five Billion Twenty-Four Million Pesos (PhP35,024,000,000.00):

Ang listahan ng mga proyekto, budget, at kung saan ipinasa ay nakalakip sa aking Sinumpaang Salaysay bilang Annex “A-CZ List.”

  1. Ipinapasok ni Cong. Zaldy ang mga proyekto sa tatlong (3) pamamaraan:
    a. Sa pamamagitan ng National Expenditure Program (“NEP”);
    b. Sa Bicameral Conference Committee (“Bicam”) ng parehong Kamara ng Kongreso bago maipasa ang General Appropriations Act (“GAA”); at
    c. Sa Unprogrammed Allocations (“UA”).

  2. Sa bawat proyekto na ipinapasok ni Cong. Zaldy, mayroon akong binibigay na “obligasyon” sa kanya para sa pondo base sa aming kasunduan. Noong 2022, ang kanyang hinihingi sa budget ng bawat proyekto ay dalawampung porsyento (20%). Subalit noong taong 2023 hanggang 2025 ito ay tumaas ng limang porsyento o hanggang dalawampu’t limang porsyento (25%).

    1. Ang pag-abot ng porsyento para kay Cong. Zaldy sa bawat proyekto ay kadalasang hindi isang bagsakan. Ito rin ay nakadepende kung paano naipasok o nai-insert ang proyekto.

    30.1. Kapag ang proyekto ay naipasok sa NEP, ang unang sampung porsyento (10%) ay agarang ibinibigay kay Cong. Zaldy. Habang ang balanse na sampu o labinlimang porsyento (10% o 15%), depende sa taon, ay ibinibigay sa kanya pagkatapos maaprubahan ang GAA.

    30.2. Kapag ang proyekto naman ay naipasok ni Cong. Zaldy sa Bicam, ang unang sampung porsyento (10%) ay ibinabayad sa kanya matapos lumabas ang GAA, at ang balanse na sampung porsyento (10%) o labinlimang porsyento (15%) ay ibinibigay makalipas ang dalawang buwan mula nang maaprubahan ang GAA.

    30.3. Pero kapag ang proyekto ay naipasok gamit ang UA, ang buong dalawampu’t limang porsyento (25%) ay agarang ibinibigay kay Cong. Zaldy.

    1. Ang pambayad para kay Cong. Zaldy ay nanggagaling sa mga advances mula sa mga kontratista pero hindi na alam ng mga kontratista kung para kanino ang advance. Ang pera na nakalaan para kay Cong. Zaldy ay dinadala sa akin. Ako naman ang nagdadala o naghahatid ng hinihinging porsyento ni Cong. Zaldy sa iba’t ibang tao niya katulad nina “Alyas Paul” at “Alyas Mark.” May isa o dalawang beses na dinadala ko sa parking lot ng Shangri-La Hotel, Bonifacio Global City, Taguig ang porsyento ni Cong. Zaldy. Paminsan-minsan ay hinahatid ko ito sa kaniyang bahay sa Ladybug Street, Valle Verde 6 sa Pasig City.

    2. Idinadagdag ko na dahil lumolobo ang pondo ng Bulacan, napag-usapan namin ni Cong. Zaldy na magbaba siya ng pondo sa ibang Engineering District. Nang dahil dito, noong 2023 hanggang 2025, nagbaba si Cong. Zaldy ng mga sumusunod:

Ang listahan ng mga proyekto, budget, at kung saan ipinasa ay nakalakip sa aking Sinumpaang Salaysay bilang Annex “A-CZ List.”

V. Ferdstar Builders Contractors

  1. Nakilala ko ang kumpanyang Ferdstar Builders Contractors (“Ferdstar”) noong ito ay isa pa lamang kontratista sa Bulacan. Ngunit, kahit pamilyar ako sa Ferdstar, hindi ko kilala ang mga may-ari nito. Ang tanging tauhan ng Ferdstar na kilala ko ay si alyas “MK.” Sa pagkakaalam ko, si alyas MK ay anak ng mga may-ari ng Ferdstar.

    1. Nagkaroon ng pagkakataon noong 2022 na lumapit sa akin si MK ng Ferdstar at nakiusap na humingi ng listahan ng mga Flood Control Projects sa aming distrito. Ayon kay MK plano raw nila lakarin ang pondo para sa mga Flood Control Projects na ito.

    2. Ako’y nagbigay sa kaniya ng listahan ng mga proyekto sa pagkontrol sa baha. Kalaunan ang listahan na ito ay lumitaw sa GAA at sa UA noong taong 2023. Ikinaklaro ko na wala akong alam o personal knowledge kung papaano nakuha ng Ferdstar ang pondo at kung sino ang kinausap nila para masiguro ang pagkuha ng pondo.

    3. Ang mga proyektong isinagawa ng Ferdstar ay pinondohan mula sa National Expenditure Program (NEP), sa mga pondong itinakda ng Bicameral Conference Committee (BCC), at mula sa Unprogrammed Appropriations (UA). Ang buod ng pondo mula sa NEP, BCC at UA ay nakalista sa Annex “FERDSTAR-SUMMARY,” habang ang listahan ng mga proyekto na napondohan ng NEP, BCC at UA ay naka-attach as Annexes “FERDSTAR-NEP,” “FERDSTAR-BCC,” and “FERDSTAR-UA.”

    VI. Commissioner Mario G. Lipana

    1. Noong 2022, humingi si COA Commissioner Mario G. Lipana (“Comm. Lipana”) sa akin ng listahan ng mga flood control projects sa Bulacan. Kabilang sa mga proyektong naipasok niya ay ang mga sumusunod:

38. Wala akong personal knowledge kung paano nila nakuha ang pondo at kung sino ang kausap nila. Ang listahan ng mga proyektong naipasok ni Comm. Lipana ay nakalakip sa aking Sinumpaang Salaysay bilang Annex “Com.”

VII. Congressman Mary Mitzi (“Mitch”) Cajayon-Uy

  1. Noong taong 2021 nakilala ko sa isang pagtitipon ang noon ay Usec pa lamang na si Usec Mitch at dito ay nakapag usap kami at natanong niya kung pwede siya magpababa ng pondo sa aking DEO at sinagot ko naman ng “Opo pwede po.”

  2. Noong taong 2022, nakapagpababa ng halagang P411M mula sa GAA insertions si Usec. Mitch na may usapan kami na ang gastos ay 10%. Ito ay ibinigay ko sa kanya sa isang restaurant sa Commonwealth Avenue, QC. Ang detalye ng mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

41. Noong ika-4 na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hearing ay may dalawang (2) larawan na ipinakita ang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Sen. Panfilo Lacson kay Engr. Brice Hernandez.

42. Ang isang larawan ay isang lamesa na puno ng pera at doon ay makikita din ang aking presensya na kung saan ako ay nakasuot ng blue na shirt. Ito ay sa conference room ng lumang opisina. Para po sa kaalaman ng lahat, ang pera po na yun ay para sa BICAM ni Cong. Zaldy na P519M na may 20% proponent noong 2022. Ito po ay galing sa iba’t ibang mga contractor na nakakuha sa mga proyektong naipababa ni Cong. Zaldy mula 2022 BICAM.

43. Ang pangalawang larawan naman po ng pera na nakasalansan sa isang bilyaran ay para sa proponent ng NEP 2023 na P5.790B na dadalhin namin kay Cong. Zaldy na sa aking pagkakaalala ay nagkakahalaga ng P579M bilang 10% advance payment.

44. Aking irinireserba ang aking pagpasa ng karagdagang sinumpaang salaysay kung sakaling ako ay mabibigyan muli ng pagkakataon.

45. Ginagawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang ipakita ang aking kusang-loob na pakikipagtulungan sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado, House of Representatives, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan kaugnay ng mga maanomalyang proyekto sa DPWH, at upang tuluyang panagutin ang lahat ng mga taong sangkot dito.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this ___ September 2025 in Pasay City, Metro Manila.

(Signature)
ENGR. HENRY C. ALCANTARA
Affiant

ANNEX

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph