SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

PDP-Laban, umapela sa gobyerno na pauwiin na si Rody

DUTERTE
DUTERTE
Published on

Umaapela ang PDP-Laban sa gobyerno na payagan ang dating Pangulong Rodrigo Duterte na makabalik sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni dating Energy secretary at PDP-Laban vice chairperson Alfonso Cusi na ang panawagan ay isang usapin ng pagkatao, hindi ng pulitika.

"Nararapat siyang makabalik sa lupang kanyang sinilangan, sa bansang minsan niyang pinaglingkuran, at sa mga taong katuwang niya sa dugo at pamana," saad ni Cusi sa pahayag.

Dagdag pa niya, "nakataya ang buhay at dangal ng kapwa natin Pilipino."

"Sa harap ng lahat ng pagsubok, isang bagay ang hindi maaaring itanggi—iisa ang ating lahi, iisa ang ating dugo, at iisa ang ating inang bayan," sabi ni Cusi.

Nanawagan rin ang partido sa publiko na tulungan silang himukin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na payagan ang dating pangulo na makauwi at "mamahinga sa bansang kanyang pinaglingkuran."

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph