
In light of the issue on the flood control projects, Senator of the Masses, Mr. Malasakit, Bong Go issued a statement that echoes more than what President Ferdinand Marcos Jr. said during his latest SONA.
Go said the corrupt practices is an insult to the nation and a loud call to the conscience, highlighting the absurdity of the continuous hardships faced by the Filipino people due to greed.
25 August 2025
STATEMENT OF SEN. BONG GO
Pinagkakitaan ang pagbaha? Hold them responsible for this mess!
As Vice Chairman of the Blue Ribbon Committee, let us hold accountable all who are responsible for this mess caused by these flood control anomalies, ghost projects and subpar infrastructures. Filipinos deserve better!
From the contractors, implementers, proponents and even legislators, we must investigate and leave no stone unturned. Ipatawag ang dapat ipatawag, gisahin ang dapat gisahin, managot ang dapat managot!
Kapamilya man, kaibigan, o namedropper, wala tayo dapat santuhin lalo na yung mga nagpayaman sa mga proyektong hindi ipinatupad nang maayos at naglagay sa kapahamakan sa buhay at kalusugan ng taumbayan.
Isang malaking insulto sa sambayanang Pilipino na habang nabubunyag ang bilyon-bilyong pisong anomalya sa flood control, heto't lubog na naman sa baha ang maraming bahagi ng bansa pati mga ospital at gusaling dapat maging takbuhan ng mga nangangailangan.
Nakakalungkot na ang pondo ng bayan na inilagay sa inaakala nating “flood control”, posibleng napunta lamang pala sa kamay ng iilang nagpayaman at nagpabusog habang ang mga kababayan natin ay naghihirap at nagugutom.
Sa mga involved sa anomalyang ito, makonsensya naman kayo! Nilapastangan niyo na nga ang kaban ng bayan, nilagay niyo pa sa peligro ang taumbayan. Nasaan ang simpatya ninyo sa mga ordinaryong Pilipino na mandato ninyong pagserbisyuhan?
For the record, as early as August 2023 during a Senate Hearing of the Committee on Public Works, I already called out DPWH to provide a flood control master plan, present their accomplishments that truly benefitted the people, and explain their prioritization since I have personally discovered flood control projects situated in areas with little to no human population. Sino pinoprotektahan ng mga flood control na ito? Halos walang tao naman. O sadyang itinago ba para hindi mapansin ang korapsyon na kanilang ginagawa?
Mula noon hanggang ngayon, galit tayo sa korap at mapang-abuso. Dapat lang na panagutin natin ang may sala para matigil na ang ganitong nakakasukang kalakaran sa gobyerno. At dahil in aid of legislation ang probe na ito, maglagay rin dapat tayo ng sapat na safeguards para ang flood control projects ay tunay na makakatulong sa lahat at hindi lang pagkakakitaan ng iilan.
Dahil kung walang mananagot dito, mapipilitan tayong isulong na tanggalin na lang ang budget sa flood control projects sa susunod na taon kaysa masayang sa korapsyon o ghost project. Nakakapanlumo na 1/3 lang ng budget ng DPWH ang katumbas na budget para sa DOH. Kaya kung maaari, gamitin na lang sana ito sa mga programa’t proyekto na direktang makakatulong sa tao lalo na pagdating sa pangangalaga ng kanilang buhay at kalusugan.
Pagod na pagod, binging bingi, at sukang suka na ang taumbayan sa pulitika at siraan. Ngunit kailangang lumabas ang katotohanan para matigil na ang lahat ng kalokohang ito. I am one with the Senate Blue Ribbon Committee and I am one with the Filipino people in calling for accountability.