
Calapan, Oriental Mindoro – Bangkay na nang natagpuan ang isang tripulante sa gilid ng isang passenger fast craft ferry boat pagkatapos itong mahulog sa may Port of Calapan Ferry Berth, Oriental Mindoro ng umaga ng Agosto 21, 2025.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), narekober nila ang walang buhay na katawan ng isang 25-anyos na tripulante ng nasabing ferry boat, at kinilalang residente ng Buluangan, Valderrama, Antique.
Nuong alas 9:10am, nakatanggap ng impormasyon ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Calapan ng isang report na may natagpuang bangkay. Kasama ang mga tauhan ng Special Operations Group (SOG), pinuntahan ng CGSS Calapan ang naturang insidente.
Pagkatapos ng ilang minuto, narekober ng mga PCG divers and bangkay ng naturang tripulante. Humingi ng tulong ang CGSS Calapan sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang madala ang bangkay ng ambulansiya.
Dinala ang bangkay sa Funeraria Naujan pagkatapos itong maproseso.
Nakipag-ugnayan naman ang PCG sa PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO), PNP Maritime, at ang kumpanya ng naturang barko para isa masusing imbestigasyon.
Inisiyal na ulat ay nakita umano ang biktima ng ala una ng madaling araw dun sa may ferry berth na may ka-videocall, habang papasok na ng barko ang mga kasamahan niya upang matulog.
Paggising kinabukasan ng isa niyang kasamahan ng 8:40am, nakita na lamang siyang lumulutang sa gilid ng barko.