
Nasagip ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang 41 indibidwal na nagtatrabaho bilang sex workers sa Lungsod ng Maynila.
Sa pangunguna ni MDSW Chief Jay Dela Fuente, ikinasa ang operasyon sa Rizal Avenue, gayundin sa Plaza Lawton, Recto Avenue, Sta. Cruz, at maging sa distrito ng Paco, katuwang ang Manila Police District at Department of Public Service.
Sa kabuuang bilang na 71, walo ang menor de edad, 48 ang nasa wastong gulang, at 15 ang senior citizen.
Nabatid na 46 sa kanila ang natutulog, 13 ang nakatambay, at 12 babae ang sinasabing nagbebenta ng panandaliang aliw.
Ayon sa opisina, dadalhin ang mga bata sa Manila Boys’ Town, habang ang mga senior citizen ay mananatili sa Lualhati, Maynila Home for the Aged.
Isasailalim naman sa counseling at bibigyan ng tulong ang mga babaeng sex workers, habang bineberipika kung may record sa presinto ang ilan sa mga kalalakihan.