SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Lima nahuli ng PDEA sa drug den sa Nueva Ecija

Limang katao ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office sa loob ng isang drug den sa Barangay Mayapyap Sur ng siyudad na ito noong Agosto 19, 2025.
Limang katao ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office sa loob ng isang drug den sa Barangay Mayapyap Sur ng siyudad na ito noong Agosto 19, 2025.PDEA
Published on

Cabanatuan City, Nueva Ecija – Limang katao ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Ecija Provincial Office matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng isang drug den sa Barangay Mayapyap Sur noong ika-19 ng Agosto 2025.

Ayon sa ulat ng PDEA, ikinasa ang isang buy-bust operation dakong alas-9:50 ng umaga sa Purok Dahlia ng nasabing barangay, na nagresulta sa pagkakadakip ng limang suspek na naaktuhang nagdodroga sa loob ng drug den.

Kinilala ang mga suspek sa kanilang mga alyas na sina Estong, Boyet, Ali, Mong, at Mike. Narekober mula sa kanila ang humigit-kumulang 18 gramo ng hinihinalang shabu, iba’t ibang drug paraphernalia, isang cellphone, at marked money.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay isasailalim sa forensic examination sa PDEA Regional Office 3 laboratory. Samantala, ang mga suspek ay sasampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang operasyon ay pinagsamang isinagawa ng PDEA Nueva Ecija at ng Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph