SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Apat huli sa loob ng drug den sa Cabanatuan City

Apat ang dinakip sa loob ng isang drug den ng mga otoridad nitong Huwebes ng gabi sa Barangay Camp Tinio.
Apat ang dinakip sa loob ng isang drug den ng mga otoridad nitong Huwebes ng gabi sa Barangay Camp Tinio.NEPPO
Published on

Cabanatuan City, Nueva Ecija – Apat ang dinakip sa loob ng isang drug den ng mga otoridad nitong Huwebes ng gabi sa Barangay Camp Tinio.

Nagsagawa ng drug entrampment operation ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Nueva Ecija PPO Drug Enforcement Unit (PDEU) sa nasabing lugar kung saan nakumpiska nila ang 13 gramo ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon pa sa PDEA, nahuli din nila ang mga suspek na sina alyas JR, 40-anyos na lalaki; alyas Noe, 20-anyos na lalaki; alyas Al, 20-anyo na lalaki; at alyas Noli, 22-anyos na lalaki.

Kasama din sa mga nakumpiska ng otoridad ang iba’t ibang drug paraphernalia at marked money na ginamit sa drug entrapment operation.

Ang mga suspek at ikukulong pansamantala sa PDEA Regional Office 3 Jail Facility habang hinahain sa kanila ang mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph