SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Tatlong kabataan naospital dahil sa ‘tuklaw’

Tatlong kabataan naospital dahil sa ‘tuklaw’
Published on

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan — Tatlong kabataan ang naospital matapos umanong humithit ng isang sigarilyong tinatawag na "tuklaw" sa Barangay Mandaragad nitong Huwebes.

Ayon sa mga ulat, ang mga kabataan na nangingisay sa tabi ng kalsada kung saan ang isa sa kanila ay humahampas pa ang mga kamay at paa sa motor habang ang isa naman ay pilit na umuupo. Pagdating ng rescue team, isa-isa silang isinakay sa ambulansya at dinala sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, inilarawan na matapos humithit ng sigarilyo, nakaranas na sila ng hindi magandang pakiramdam.

Ang "tuklaw" ay sinasabing isang uri ng damo na nagmula sa Vietnam.

Dalawang menor de edad na sangkot sa insidente ang nasa kustodiya na ng mga otoridad habang pinaghahanap pa ang kanilang kasamahan na sinasabing pasimuno ng paghihithit ng tuklaw.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph