SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Kyline Alcantara, Darren, Alexa Ilacad, Kaila Estrada magho-host ng 8th EDDYS

THE Society of Philippine Entertainment Editors’ 8th Eddys will pay tribute to screen legends
THE Society of Philippine Entertainment Editors’ 8th Eddys will pay tribute to screen legendsPhoto courtesy of Society of Philippine Entertainment Editors
Published on

Sanib-pwersa ang mga Kapamilya at Kapuso na sina Kyline Alcantara, Darren, Alexa Ilacad at Kaila Estrada sa pagho-host ng pinakaaabangang 8th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).

Magaganap na ang ika-8 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Inaasahang mas magiging maningning ang pagtatanghal ng The EDDYS ngayong taon dahil sa pagsasama-sama nina Kyline, Darren, Alexa at Kaila sa isang gabi ng selebrasyon, pagpupugay at pagbibigay-halaga sa Philippine movie industry.

Bukod dito, magkakaroon muli ng Red Carpet segment ang 8th EDDYS kung saan magiging host naman ang social media personality at radio DJ na si Mr. Fu at ang rising star na si Alexa Miro.

Dito makakausap at makakakuwentuhan nina Mr. Fu at Alexa ang mga naglalakihang celebrity mula sa entertainment industry na inaasahang dadalo sa taunang The EDDYS. 

Samantala, inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ika-8 edisyon ng The EDDYS kung saan maglalaban-laban ang anim na de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Bakbakan para sa Best Picture ang “Green Bones”, “Hello, Love, Again”, “Isang Himala”, “Love Child”, “Outside” at “Under a Piaya Moon”.

Para sa Best Actress, nominado sina Jane Oineza (Love Child), Judy Ann Santos (Espantaho), Marian Rivera (Balota), Mylene Dizon (The Hearing),  Sharmaine Centenera-Buencamino (Pushcart Tales) at Sue Prado (Your Mother’s Son).

Maglalaban-laban naman para sa Best Actor sina Alden Richards (Hello, Love, Again), Arjo Atayde (Topakk), Dennis Trillo (Green Bones), Joel Torre (Lolo and the Kid), Kokoy de Santos (Your Mother’s Son), Sid Lucero (Outside) at Vice Ganda (And the Breadwinner Is…).

Sa kategoryang Best Supporting Actress pagalingan diyan sina Chanda Romero, (Espantaho), Cristine Reyes (The Kingdom), Elora Españo (Your Mother’s Son), Kakki Teodoro (Isang Himala), Lorna Tolentino (Espantaho), at Nadine Lustre (Uninvited).

Para sa Best Supporting Actor, maglalaban sina Aga Muhlach (Uninvited), Joross Gamboa (Hello, Love, Again), Miggy Jimenez (Your Mother’s Son), Patrick Garcia (A Journey), Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast) at Ruru Madrid (Green Bones).

Bakbakan naman sa pagka-Best Director sina Carlo Ledesma (Outside), Cathy Garcia Sampana (Hello, Love, Again), Jonathan Jurilla (Love Child), Kurt Soberano (Under a Piaya Moon), Pepe Diokno (Isang Himala), Zig Dulay (Green Bones).

Samantala, magkakaroon ng delayed telecast ang 8th EDDYS sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWant sa July 27, Linggo.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirek muli ni Eric Quizon.

Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan  Globe at Unilab.

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors' Choice).

Itinatag noong 2015, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga nangungunang pahayagan, tabloid at online site sa Pilipinas.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph