
Nahuli ang 11 pampasaherong sasakyan dahil sa iligal na pangongontrata ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa mga kolorum at taxi na iligal na nangongontrata sa paliparan.
Sa kasalukuyan, isinasailalim na sa ebalwasyon ang mga prangkisa ng mga nahuling tsuper. Pinatawan din sila ng mga parusang administratibo batay sa uri at dalas ng kanilang paglabag.
Saklaw ng kanilang mga paglabag ang mga probisyon ng Joint Administrative Order No. 2014-01, kung saan ang multa sa unang paglabag ay P5,000.