SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Torre: Tumawag sa 911, hindi kailangang dumiretso sa presinto

PNP Chief PGen Nicolas Torre III meets with Commission on Human Rights Chairperson Richard Paat Palpal-latoc at the CHR headquarters in Quezon City on Monday, 9 June 2025. The visit marks the first time a sitting PNP chief has formally visited the CHR.
PNP Chief PGen Nicolas Torre III meets with Commission on Human Rights Chairperson Richard Paat Palpal-latoc at the CHR headquarters in Quezon City on Monday, 9 June 2025. The visit marks the first time a sitting PNP chief has formally visited the CHR.Photo by Analy Labor for DAILY TRIBUNE
Published on: 

Umapela si Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III sa mga kapulisan na mas paigtingin pa ang promosyon ng pambansang emergency hotline na 911 sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.

Aminado si Torre na marami pa rin sa publiko ang hindi naniniwala na gumagana at epektibo ang naturang hotline.

Aniya, nakatanggap ang PNP ng magagandang puna mula sa mga tumawag na sa 911 at agad na nabigyan ng tulong ng pulisya. Dahil dito, hinikayat niya ang mga kapulisan na ipaalam pa ito sa mas nakararami upang higit pang makapagserbisyo ang PNP sa mga nangangailangan.

Dagdag pa ni Torre, nais nilang iparating sa publiko na hindi na kailangang personal na pumunta sa presinto upang humingi ng tulong.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph