
Kung iisiping mabuti, matagal nang regarded si Pasig City Mayor Vico Sotto bilang isa sa baguhang politiko na may talino at tagapagtaguyod ng transparency, accountability at good governance.
Sa simula ng kanyang karera sa pulitika, nanindigan siya para sa kanyang malinis na imahe at tatak bilang isang repormista at dahil dito ay nanalo siya hindi lamang sa kanyang mga nasasakupan kundi pati na rin sa buong bansa na nakakita sa kanya ng pag-asa ng isang bagong uri ng pamumuno.
Pero, sabi nga nila, “no leader is above public scrutiny.”
At sa isang demokrasya, lalo na ang isa na may kasaysayan ng panunupil sa pamamahayag at batuhan ng putik, ang ating mga lider ay dapat may parehong pamantayan ng pananagutan na madalas nilang hinihingi sa iba.
Kaya naman ang kamakailang desisyon ni Mayor Sotto na umiwas sa mga lehitimong pagtatanong ng media ay nagpamalas ng “nakakabagabag” na mga katanungan.
Kung matatandaan, humingi ang DAILY TRIBUNE ng panig ng alkalde hinggil sa batikos na ibinaba ng isang contractor sa mga detalye ng bagong gusali ng Pasig City Hall. Isa na sana itong pagkakataon para matugunan ng alkalde ang isyu at malinawan ang lahat.
Kaya namin nasabi ito dahil ang journalism, kung tutuusin, ay hindi lamang tungkol sa papuri at photo ops, ito ay tungkol sa pagtatanong ng mahihirap na tanong at paghingi ng mga sagot, lalo na sa mga nasa kapangyarihan.
Sa halip, tinanggihan niya ang isang panayam. Mas masahol pa, ginamit niya ang social media -- hindi para ipaliwanag ang mga paratang, kundi para di-tuwirang siraan ang reporter na kasangkot sa pamamagitan ng pag-tag sa kanya at pagmumungkahi ng bias.
Sinabi niya na ang nasabing reporter ay nagsulat ng 20 artikulo tungkol sa Pasig at "16 dito ay tungkol sa mga pangako ng kanyang mga kalaban sa pulitika."
Ano ang implikasyon nito? Na ang mga media outlets ay hindi na dapat pagkatiwalaan, at ang linya ng pagtatanong ng reporter ay may motibasyon sa pulitika
Sa totoo lang, nakakadismaya ang mga ganitong klaseng sagot, hindi dahil partikular na agresibo o “earth-shaking”, ngunit dahil ito ay nagpapakita ng “discomfort” pagdating patas na kritisismo.
Ang lumalabas tuloy ay pinapahina nito ang mismong mga prinsipyo na sinasabi ni Mayor Sotto na kanyang pinaninindigan.
May panahon na hindi pa gaanong katagal nang ang mga opisyal ng pamahalaan ay nagbabanta o ginigipit ang Press dahil lamang sa pagtatanong. Para malinaw lang, hindi iyon ginawa ni Mayor Sotto.
Ang paggamit ng kanyang plataporma at ang kanyang malaking social media following upang pagdudahan ang integridad ng isang mamamahayag — nang hindi direktang tinutugunan ang isyu — ay nagtatakda ng “dangerous precedent.”
Sinasalamin nito ang parehong populistang playbook upang ma-weaponize ang public opinion laban sa media.
Kung tunay na naniniwala si Mayor Sotto sa “good governance,” siya ang dapat na unang malugod sa pagsisiyasat ng publiko -- kahit na ito ay nagmula sa mga mamamahayag na maaaring hindi palaging pumupuri sa kanya.
Tandaan, ang accountability ay hindi isang “one-way street;” hindi ito humihinto kapag ang mga tanong ay nagiging hindi komportable o kapag ang mga kritiko ay tila may motibasyon sa pulitika. Sa katunayan, iyon ang mga eksaktong sandali kung kailan pinakamahalaga ang transparency.
Madaling maging “righteous” sa harap ng camera at ang palakpakan ay garantisado na. Ang tunay na pagsubok ng pamumuno ay kung paano tumugon ang isang tao kapag ang mga tanong ay hindi maginhawa at ang spotlight ay hindi kasing bait.
Utang ni Mayor Sotto sa kanyang mga nasasakupan — at sa public image niya na maingat niyang nilinang — na huwag maging “defensive” at muling italaga ang kanyang sarili sa mga mithiin ng bukas, demokratikong pamamahala. Kasama diyan ang paggalang sa Press, kahit na hinahamon siya nito.