SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela, bumagsak dahil sa overweight na dump truck

Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela, bumagsak dahil sa overweight na dump truck
Cagayan Public Information Office
Published on: 

Bumagsak ang bahagi ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa probinsya ng Isabela nitong Huwebes.

Ang tulay na ito ay sumailalim sa retrofitting ilang buwan na ang nakalipas.

Ayon sa imbestigasyon, bumigay ang tulay matapos dumaan ang isang dump truck na may kargang 100 tonelada ng mga bato. Iginiit din sa ulat na hindi ang pundasyon ng tulay ang problema kundi ang "overweight" na truck na dumaan.

Ang bigat ng dump truck na nakabasag, ayon sa imbestigasyon, ay lumabas na mahigit 100 tonelada.

Ayon sa mga ulat, matapos maitayo ang nasabing tulay, nakitaan agad ito ng mga bagay na kailangang ayusin. Dahil dito, hindi ito pinapayagang dumaan ng mga heavy trucks sa loob ng tatlong buwan, at tanging mga light vehicles lamang ang pinapayagan.

Nasa anim na tao ang sugatan at agad na dinala sa ospital, at isang sasakyan din ang nadamay sa insidente.

Samantala, sumuko na ang drayber ng dump truck. Ayon sa kanya, nakaramdam siya ng takot kaya nagawa niyang tumakas.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph