
Isang sunog ang sumiklab na nag-resulta ng pagkamatay ng apat na katao at dalawang sugatan sa Barangay 177 Malibay, Pasay City Sabado ng umaga.
Dalawa ang nai-ulat na nasawi at isa ang nawawala ayon kay Senior Fire Officer I Resmond Germino, Chief Public Information Officer ng Pasay City Fire Station.
Dagdag pa ni Germino, pasado alas-10 ng umaga ay apat na bangkay na ang nakuha — isang ina, anak nito na 7 taon gulang na lalaki, 14 na gulang na pamangkin, at bayaw nito.
Nagkaroon naman ng minor injuries ang dalawang residente sa lugar kung saan nagtamo ang isa dito ng first-degree burn habang ang isa nama'y nagtamo ng sugat sa paa.
Base sa ulat, nagsimulang sumiklab ang sunog bago mag-umaga sa isang hilera ng mga kabahayan sa Esteban Street malapit sa sapa at tinatawag ng mga residente na Flores Tulay. Mabilis kumalat ang apoy dahil yari ang mga naturang bahay sa light materials.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang ikatlong alarma habang patuloy ang sunog.