SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Binay prayoridad ang libreng gamot para sa mahihirap

Makati City Mayor Abby Binay
(FILE PHOTO) Makati City Mayor Abby BinayPhoto courtesy of My Makati | FB
Published on

Binigyang-diin ni Senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay nitong Huwebes na ang pagbibigay sa mga kababayan ng access sa mga libreng gamot at pagamutan ay isa sa kanyang mga priyoridad kung siya ay mahalal sa mataas na kapulungan sa Mayo.

“Isa sa mga isusulong ko sa Senado ang pagkakaroon ng libreng access sa mga life-saving at kalidad na gamot ng mga pasyenteng may cancer at iba pang malubhang sakit, lalo na sa mga kababayan na galing sa mahihirap na pamilya,” ayon kay Binay

“Hindi dapat maging death sentence ang pagkakasakit ng cancer dahil sa walang perang pambili ng gamot, pampa-chemotherapy o radiation. Dapat matulungan lalo na ang mga batang may cancer para gumaling sila, lumaki at magpunyagi para sa kanilang mga pangarap,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang nagbibigay ang lungsod ng Makati ng libreng maintenance medicines sa mga senior citizen at iba pang residenteng may hypertension, diabetes, sakit sa bato, cancer, at iba pang malalang karamdaman.

Pinuri rin ni Binay ang  plano mula sa World Health Organization (WHO) na magbigay ng libreng gamot sa cancer para sa mga batang naninirahan sa low and middle-income countries.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph